LTO, Naglabas ng Extension para sa Rehistro at Lisensya kasunod ng Isyu sa LTMS; Penalties, Libre Muna!


Magandang balita para sa mga nagmamaneho at may-ari ng sasakyan! Naglabas ng mahalagang pampublikong abiso ang Land Transportation Office (LTO) upang bigyang-ginhawa ang mga motoristang naapektuhan ng mga nagdaang teknikal na problema sa Land Transportation Management System (LTMS).



Upang matiyak na hindi maantala ang serbisyo at hindi mamultahan ang publiko dahil sa mga isyung hindi naman nila kasalanan, opisyal nang ipinatupad ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.

RELATED: LTO Reaffirms Policy Against License Confiscation During Traffic Apprehensions


Anu-ano ang mga Pinahaba ang Bisa?

Ayon sa LTO, pinalalawig hanggang sa susunod na abiso (until further notice) ang validity o bisa ng mga dokumentong nakatakda o nakatakdang mag-expire simula Hulyo 1, 2026. Sakop nito ang mga sumusunod:

  • Motor Vehicle Registration (Rehistro ng Sasakyan)

  • Driver's License (Lisensya sa Pagmamaneho)

  • Conductor's License

  • Student Permit

  • Medical Certificate




Walang Late Fees at Penalties!

Ang pinakamagandang balita sa ilalim ng memo na ito: walang anumang sisingiling late fees o penalties para sa lahat ng renewal na pasok sa nasabing extension. Anuman ang atraso o delay sa pagproseso habang umiiral ang Memorandum Circular ay walang kaukulang multa.




Layunin ng hakbang na ito na magkaroon ang bawat isa ng sapat na panahon at pagkakataong maiproseso ang kanilang mga transaksyon nang maayos at walang dagdag-gastos.

Nagpapasalamat ang LTO sa pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan ng publiko habang isinasaayos ang mga sistema para sa mas mabilis at tapat na pampublikong serbisyo.




Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento