Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD


Ano ang AKAP?

Ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay isang inisyatibo ng pamahalaan na layong tulungan ang mga naghihirap sa ating mga pamayanan sa harap ng tumataas na presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay naglalayong matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayang lubos na naapektuhan ng inflation, lalo na ang mga minimum wage earners.



Sino ang Beneficiaries ng AKAP?

Ang AKAP ay para sa mga minimum wage earners na walang access sa regular na assistance mula sa pamahalaan dahil hindi sila kabilang sa pinakamahihirap na populasyon. Ang mga sumusunod na grupo ay hindi na kwalipikadong makatanggap ng AKAP dahil sila ay nakakatanggap na ng regular na assistance mula sa DSWD, tulad ng:


loading...

Anong Assistance ang Maaaring Makukuha sa Ilalim ng AKAP?

Ang AKAP ay nag-aalok ng iba't ibang klase ng assistance na maaaring makatulong sa mga minimum wage earners, kabilang ang:


Medical Assistance

Ito ay cash o guarantee letter (GL) na ibinibigay para sa mga sumusunod na medikal na pangangailangan:

  • Gastusin sa pagpapagamot sa ospital at/o professional fees (na subject sa approval ng concerned medical officer)
  • Mga gamot
  • Paggamot medikal
  • Mga medikal na pamamaraan
  • Implants
  • Komplikasyon pagkatapos ng panganganak


Funeral Assistance

Ito ay cash o guarantee letter (GL) na ibinibigay para sa mga gastusin kaugnay sa libing:

  • Paghatid ng labi ng namatay sa kanyang tirahan o bayan
  • Interment
  • Cremation
  • Burial site


Cash Relief

Ito ay financial assistance upang matugunan ang mga pangangailangang lubos na naapektuhan ng inflation tulad ng gastos sa kuryente at tubig o renta sa inuupahang bahay.


Food Assistance

Ito ay tulong pinansyal upang makatulong sa beneficiary na matugunan ang kanyang pangangailangan sa pagkain at iba pang nutritional requirements.




Ano ang Documentary Requirements Upang Makasama sa AKAP?

Para sa mga empleyado, kailangan ang government ID at kahit isa sa mga sumusunod na dokumento na nagpapatunay na ikaw ay isang minimum wage earner:

  • Certificate of Employment (COE) na may compensation at full name at pirma ng issuing officer
  • Income Tax Return (ITR) BIR Form 2316/ Audited Financial Statement na may full name at pirma ng issuing officer
  • Certificate of Tax Exemption
  • Certification mula sa Employer na certified ng LSWDO

Para sa mga sari-sari store owner, kailangan ang government ID at Small Business Certification mula sa barangay. Dapat ay issued sa loob ng 3 buwan ang mga dokumento.


Ano ang Documentary Requirements Para sa Cash Relief Assistance?

  • Valid ID
  • Dokumento na nagpapatunay na ang beneficiary ay isang minimum wage earner
  • Dokumento na nagpapatunay na ang beneficiary ay naapektuhan ng inflation tulad ng unemployment, layoff o displacement from work, o kakulangan sa suweldo upang matugunan ang basic needs
  • Dapat ay issued sa loob ng 3 buwan ang mga dokumento.

Ang AKAP ay isang mahalagang programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng tulong sa mga minimum wage earners na lubos na naapektuhan ng tumataas na presyo ng bilihin. Sa pamamagitan ng programang ito, ang pamahalaan ay naglalayong masiguro na matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan.




Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento