Bilang ng bagong overhaul na mga bagon ng MRT-3, nadagdagang muli!


Nadagdagan na naman ng isa ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon o train cars na napatakbo ng pamunuan ng MRT-3, dahilan sa pag-akyat nito ngayon sa bilang na 51.

Sumatotal, 21 na lamang ang naka-ischedule ma-overhaul ng maintenance provider ng linya na Sumitomo-MHI-TESP.

Mabilis, komportable, at presko ang biyahe sa mga newly-overhauled train cars na dumaan sa serye ng mga speed at quality tests upang matiyak ang kalidad at kaligtasan para sa mga pasahero.
loading...
Nakatutulong ang pagtaas ng bilang ng mga operational train cars ng MRT-3 sa pagpapataas ng line capacity nito.


Sa kasalukuyan, kayang makapagpatakbo ng MRT-3 ng 21 CKD train sets na binubuo ng 18 3-car train sets at tatlong (3) 4-car train sets. Ang isang bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set. Ang 4-car train set ay kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero.
Tuloy-tuloy rin ngayong araw ang LIBRENG SAKAY ng MRT-3 para sa lahat ng pasahero na magtatagal hanggang ika-30 ng Abril, 2022.

READ: MRT-3 'Libreng Sakay' program extended until May 30

Para naman maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19, nagpapatuloy ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren. Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsuot ng face shield.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento