Mayor Inday Sara Duterte, VP aspirant, calls for unity among Duterte administration supporters in her latest FB video post, as the supporters of Bongbong Marcos and Bong Go engage in brickbats following the decision for Go to run as President.
Here is her speech:
loading...
Assalamualaikum!
Tapos na po ang November 15 pero nagsisimula pa lang ang ating laban.
Alam ko na mahaba at mahirap ito pero kampante ako na sasamahan at tutulungan ninyo ako hanggang sa dulo — hanggang maipanalo natin ito para sa ating mahal na bayan at mga kapwa Pilipino.
Sa totoo lang, ang nag-uumapaw ninyong suporta ang nagbibigay sa akin ngayon ng tibay at lakas ng loob at inspirasyon. Kung hindi po dahil sa inyo, out po ako dito.
Ngayon ay gusto ko sanang simulan ang ating laban sa pamamagitan ng isang panawagan.
Magkaisa po tayong lahat na mga sumusuporta sa administrasyong Duterte. Iisa lang naman ang ating mga pangarap — ang pagkakaroon ng mas matatag, mas mapayapa, mas maulad na bansa.
Ang aking partido ay nakipag-alyansa at humingi ng suporta para kay Bongbong Marcos at para sa akin matapos kong tanggapin ang inyong hamon at panawagan.
Loading...
Tinanggihan ito ng PDP at naiintindihan natin ito. Pero gusto ko lamang na linawin — walang pangalan na sinisira o dinudungisan, walang sinasagasaan, walang inaagrabyado, inaaway, pinapaiyak o inaapi.
Sa muli, nananawagan ako ng pagkakaisa. Ang layunin natin ay hindi lamang ituloy ang mga magagandang nasimulan ni Pangulong Duterte kundi ang mas pagbutihin at mas palawigin pa ang mga ito.
The people will make me strong. And it is through our solidarity and unity that we will be able to build a stronger nation.
Shukran.
You can watch the full speech here:
November 16. 2021
Pahayag ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. hinggil sa kanilang tambalan ni Inday Sara Duterte:
NAITAWID na namin ni Mayor Inday Sara Duterte ang proseso para sa tambalang inaasam-asam ng aming mga taga-suporta – ang BBM-SARA sa 2022.
At napagkasunduan namin at ng aming mga partido ang pagsusulong ng mapagkaisang liderato sakaling kami ay palarin sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.
Sa layunin naming dalawa na ipagpatuloy at palawigin pa ang mga magagandang nagawa ng pamahalaang Duterte ay sabay kami ngayong nananawagan na kapit-bisig lang po tayo sa pagtiwala at pagsuporta sa liderato ng ating mahal na Pangulo.
Kaisa ako ni Inday Sara sa kanyang sinabi na “Iisa lang naman ang ating mga pangarap… ang pagkakaroon ng mas matatag, mas mapayapa, mas maunlad na bansa.”
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento