'Take-out gone wrong': Mag-asawang kunwaring nagpa take-out para sa aso, dinagdagan ng waiter ng tira-tira


Kinatuwaan sa social media ang kwento ng Batangas couple na ito nang magpa take-out sila sa isang restaurant. 

Nang kumain kasi sila dito, nasarapan sila ngunit umabot sa punto na hindi na nila maubos at nagdalawang-isip sila kung iiwan na lang nila o itetake-out ang kaunting natira. 

loading...

“Hindi ko na maubos kasi sobrang busog na ako, pero ayaw kong i-left over kasi sayang, kasi mahal at masarap nmn talaga… Naisip ko ipatake-out,” kwento ni Lorenzo Faraon sa kanyang Facebook post. 

Loading...
“So para hindi masyadong nakakahiya, sabi ni misis sabihin ko daw pasalubong sa alaga nming aso. So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa aso nmin,” Dagdag nito.

Kahit ang totoo ay gagawin daw nilang meryenda ito kapag nagutom sila sa kanilang bahay.

“So kinuha ni kuyang waiter yung lalagyan at pag balik nya, sabay sabing: Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa aso nyo.”

Napatulala raw si Lorenzo sa sinabi ng waiter, at sana raw pala ay inubos na lang nila ang kanilang tirang pagkain. 

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento