Kaso ni Norial ibinaba sa 'unjust vexation'; Saquilayan nahaharap sa patong-patong na kaso

Matapos ang anim na araw, lumabas na ang hatol ng piskalya sa kasong isinampa laban sa babaeng Grab driver na si Mary Florence Norial na nanampal ng isang police captain Ronald Saquilayan matapos silang magka-initan sa driveway ng isang coffee shop sa Taguig noong ika-6 ng Oktubre.

Ayon sa update (no.4) ng Raffy Tulfo in Action sa pangunguna ni Raffy Tulfo ay ibinaba ang hatol ng piskalya kay Norial sa "unjust vexation" kung saan ay may piyansang P3,000.

Nakahanda na raw ang kanilang team sa pagpapalaya sa Grab driver na nakulong ng halos 7 araw sa Taguig.

BASAHIN: Pulis na nakaalitan ng babaeng Grab driver, tila ginawang drive-thru ang labas ng coffee shop
loading...
Samantala sa kabilang banda ay pinaiimbestigahan na raw ng PNP si Saquilayan. Inatasan ni Philippine National Police (PNP)chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang Internal Affairs Service   na imbestigahan ang pagtatalo umano sa pagitan ng isang lady Grab driver at opisyal ng Pateros Police sa Taguig City noong nakaraang linggo.

“IAS has already been directed to investigate the case properly so we would be able to know what to do with our people. Kakasuhan ba natin, sila ba ay tama, sino nagkamali, ‘yan po ay titingnan natin lahat-lahat,” ani Cascolan sa press briefing kahapon.
Loading...
Galit namang idiniin ni Raffy Tulfo na ayon sa mga ebidensya at CCTV footage ay kitang kita naman kung sino ang nagkamali at nang-abuso sa sitwasyon - ito ngang si Saquilayan.

"Ano ba talaga ang puno't dulo (nito)? It was just a plain and simple violation - ang pagsuway ng isang tao na tinatawag na 'driving etiquette' which is: give way to others. In this case, yung tinatawag na,'do not block the driveway'. Ito po ay nakasulat sa driving manual ng LTO... then you should do this," paliwanag ni Tulfo.


"Now, sino po ang sumuway sa patakarang ito?... isa pong pulis at hindi lamang isang pulis, kundi may mataas na ranggo... ang tanong, kapag mayroong mga sumusuway sa patakaran sa kalye, sino po ba ang nilalapitan ng mga mamamayan? Di po ba ang mga pulis? Because they suppose to maintain the peace and order. In this case, si Capt. Saquilayan po, sa halip na siya ang pasimuno na naglalagay sa ayos ng patakaran sa kalye, siya pa ang pasimuno sa gulo," dagdag pa niya.

Pero nang kausapin niya si IAS chief P/Col. Ruel Ferrer tungkol sa imbestigasyon ng kaso ay lalong nagalit si Tulfo sa kanyang narinig sa hepe.

"Bale papatak po yung kaso niya (Saquilayan) sa 'simple misconduct'," paliwanag ni Ferrer na siya namang tinanong ni Tulfo kung bakit hindi 'grave misconduct' ang dapat isampa?

Patuloy na ipinagtanggol ni Ferrer si Saquilayan sa kadahilanang ito raw ay nagpakilalang pulis bago niya arestuhin si Norial sa loob ng coffee shop.

Kumonsulta naman si Tulfo kay DOJ Usec. Bernardo Florece Jr. at nakumbinsi na karapatdapat lamang kasuhan ng 'grave misconduct' si Saquilayan.

Nang balikan ni Tulfo si Ferrer ay bigla itong tumiklop at sumang-ayon sa sinasabi ni Raffy. Handa raw ang RTIA na itaas ito sa kongreso upang mapahiya ang sinumang kakampi kay Saquilayan.

Ayon naman kay Atty. Garett Tungol ay may tatlong (3) posibleng kasong kriminal ang maaring isampa kay Saquilayan.

Panoorin ang buong usapan nina Raffy Tulfo at P/Col. Ruel Ferrer ng IAS dito:
Sa huli ay nag-iwan ng mensahe si Tulfo kina SPD PB/Gen. Emmanuel Peralta at NCRPO chief, Maj. Gen. Debold Sinas, "


Sinabi naman ni Southern Police District (SPD) chief Police Brigadier General Emmanuel Peralta na malinaw na nag-iimbento ng kwento si Norial laban kay Saquilayan kaya posibleng mas lalo pa itong madiin sa nasabing insidente.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento