Sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), Light Rail Manila Corporation (LRMC), plantsado na ang mga kinakailangan upang masimulan ang pagtatayo ng 11.7-kilometer railway extension project na handog para sa mga kababayan nating Caviteño.
✅ Right of Way Acquisition (ROWA) — certified nang “free and clear” ng Independent Consultant (IC) ang mahigit 90% ng Right of Way ng Package 1. Dahil dito, handa na rin ang pagtatayo ng mga viaduct at mga istasyon.
✅ Light Rail Vehicles (LRVs) — on-track ang delivery ng 120 LRVs. Ang mock-up nito ay ipinadala nitong January 2019.
✅ Depots — Pirmado na nitong February 2019 ang kontrata para sa pagpapalawig ng Baclaran Depot at pagtatayo ng bagong Zapote Depot.
Mga kababayan, DIZZIZIT! Magsisimula na po kaming mag-BUILD, BUILD, BUILD!
Abangan ang LIVE COVERAGE ng pagsisimula ng actual construction ngayong araw, ika-07 ng Mayo 2019, 11:00AM.
0 Mga Komento