
Batay sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog alas-11:30 ng gabi at naapula pasado alas-12 ng madaling-araw.
Paniwala ng guwardiya, naiwang baga mula sa pagpuputol ng bahagi ng mga sasakyan ang pinagmulan ng apoy.
"Nagcu-cutting kasi sila. Gumagamit ng acetylene. Baka naiwanan 'yung apoy nun," ani Raul Jolejole.
Ayon kay SFO3 Victorio Vilchez ng Pinagbuhatan Fire Sub-Station, ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng sunog sa loob ng impounding area.
Loading...
"'Yung una po, last year. Unang dahilan ay acetylene...Posibleng ito rin ang dahilan," aniya.
Wala namang nasaktan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi at magkano ang kabuuang halaga ng pinsala.
0 Mga Komento