GRABe sa bait! Grab driver, hinangaan dahil sa pagbibigay ng free rides sa mga stranded na pasahero



Napabilib ang mga netizens sa good deed na ginagawa ng isang Grab driver matapos nililibre ng pamasahe ang kanyang mga pasahero.



Viral sa social media ang kwento ni Mang Romualdo Alabarca, 63 anyos na Grab driver dahil sa kanyang taglay na kabutihan.
Sa tuwing uuwi umano si Mang Alabarca galing pasada ay nakagawian na umano niyang magpasakay ng kahit na sinong madaanan niya na walang masasakyan.
Sa panayam kay Alabarca sa Pilipino Star Ngayon, saad niya napamalaking achievement umano para sa kanya ang nagagawa niya. Sapat na aniya ang pasasalamat na natatangap niya bilang sukli sa kanyang pagkakawanggawa.
“‘Yung magpasalamat lang…masaya na ako nun,” saad ni Alabarca.
Naihahatid ni Alabarca ang kanyang mga pasahero mula Taft Avenue, Manila at Bacoor, Cavite.
Saad pa ni Alabarca, hindi rin umano siya namimili ng pasahero dahil tuwing may magbo-book ay agad tinatanggap niya ito.
Na ikwento rin ni Alabarca ang mga nailibre niyang mga pasahero. Aniya, pag nalalaman niya na pauwi na ito at gawi rin sa kanyang uuwian ay isinasabay na niya ito.
Loading...
Sa tuwing mag-aabot rin umano ng bayad ang kanyang naging pasahero ay tinatanggihan talaga niya dahil libre niya itong pinasakay.
Nagsimula na rin ang kanyang panglilibre noong kasisimula pa lamang niya sa pamamasada.
Sumikat si Alabarca noong kamakailan rin ay nagbahagi ng kwento ang kanyang naging pasahero na si Jeman Bunyi Villanueva.
Umabot mahigit 4,000 ang nagbahagi ng post atmadaming netizens ang pumuri sa kabutihan ni Alabarca.
Image may contain: 1 person, text
For reference, narito ang kwento ng naging karanasan ng isa sa nailibre ng sakay ni Alabarca.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento