Nasa 40 bahay ang apektado ng isinagawang demolisyon sa Bareza Compound ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), Martes ng umaga.
Iginiit ng mga residente na wala silang natanggap na writ of demolition bago pa man binaklas ang kanilang mga bahay.
Ayon kay Judith Raquero, residente sa lugar, inasahan nilang pupunta ang sheriff para magbigay ng kautusan sa kanila. Nang dumating ito, kasama na ang demolition team.
Ang halos 2,000 square meters na lote ay pinaplanong gawing extension ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), isang pampublikong ospital.
Ayon naman kay Chief Insp. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City Police, taong 2005 pa lumabas ang writ of demolition.
Nag-sumite ng petisyon ang SPMC Chief sa korte na ipagpatuloy ang demolisyon dahil pagmamay-ari naman ito ng gobyerno.
Binigyan na umano ng relocation sites ang may 60 na mga pamilyang apektado, pero tinanggihan ito.
“Wala na tayong pinag-uusapan na relocation dahil before, they were offered somewhere in Mahayag but they did not avail it,” ayon kay Edgar Hofileña, ang assisting sheriff.
Ang ibang residente, boluntaryo nang giniba ang kanilang mga bahay.
Natapos naman nang maayos ang isinagawang demolisyon.
0 Mga Komento