Pamimigay ng 25kg Bigas sa Cabuyao, Laguna, Ikinatuwa ng mga Netizen


Ikinagalak ng mga residente ng Cabuyao, Laguna ang Pamaskong Handog ng lokal na pamahalaan, kung saan namahagi ng 25-kilong sako ng bigas.



Ang programang ito ay pinangunahan ni Mayor Dennis Hain at sinimulan noong Nobyembre 14, 2024.


Araw-araw, masiglang nagtutulungan ang mga opisyal ng lungsod sa pamimigay ng bigas sa bawat barangay, na bahagi ng hangaring makapagbigay ng suporta at saya sa bawat pamilyang Cabuyeño ngayong kapaskuhan.

RELATED: Pasig City Distributes Pamaskong Handog to Every Household

Loading...

Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat at kasiyahan sa social media, pinuri ang malasakit ni Mayor Hain sa kanyang mga nasasakupan. “Malaking tulong ito para sa aming pamilya, lalo na ngayong papalapit ang Pasko,” ani ng isang residente.


Narito ang ilan sa mga komento ng netizen sa isang post:




Patuloy ang pamimigay sa mga susunod na araw, na layong matiyak na ang bawat pamilyang Cabuyeño ay maabutan ng kanilang Pamaskong Handog. Hinihikayat ang lahat na abangan ang mga anunsyo para sa schedule ng kanilang barangay.




Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pangako ng lokal na pamahalaan ng Cabuyao na magbigay ng suporta at ginhawa sa bawat mamamayan, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento