Isang trahedya ang naganap sa Barangay South Daang Hari, Taguig City kamakailan kung saan isang 22-anyos na ama ang pumatay sa kanyang sariling anak dahil umano sa galit sa kanyang live-in partner.
Kinilala ang suspek na si John Erick Maribao, 22 taong gulang, na pinatay ang kanyang 11-buwang gulang na sanggol sa pamamagitan ng pagtakip ng unan at pag-upo dito hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga ang bata.
Matapos ang krimen, nagpakamatay si Maribao sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang sinturon.
Loading...
Ayon sa Taguig City Police, ang dahilan ng krimen ay ang pagtanggi ng live-in partner ni Maribao na umuwi sa kanilang bahay. Batay sa mga mensaheng nakita sa cellphone ni Maribao, nagbanta ito sa kanyang partner na papatayin ang kanilang anak kung hindi siya babalik.
Ayon kay Police Major Cherrylyn Agtarap, nang matagpuan nila ang mga katawan, wala na itong buhay at agad silang dinala sa Taguig Pateros District Hospital (TPDH) subalit idineklara ring dead on arrival.
Ikinagulat ng mga kapitbahay ang nangyari ngunit sinabi rin nila na madalas mag-away ang mag-live-in partner bago pa mangyari ang malagim na insidente. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso upang malaman ang iba pang mga detalye ng insidente.
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
0 Mga Komento