Pamaskong Handog sa Pasig, sinimulan ang house-to-house distribution


Nitong Sabado, ika-26 ng Nobyembre ay sinimulan ng Pasig LGU ang house-to-house distribution ng Pamaskong Handog sa lungsod.



Ang bawat Pamaskong Handog eco bag ay naglalaman ng mga groceries para sa bawat pamilyang Pasigueño.


loading...

Narito ang ilang paala-ala ng LGU para sa pamimigay ng Pamaskong Handog sa Pasig:

1. Araw-araw ang posting ng schedule ng Pamaskong Handog distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution.

2. Bahay-bahay ang distribution. Hintayin sa bahay ang distribution team.

3. Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Pamaskong Handog. Kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangan ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.

4. Maghanda ng proof of identity. Bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.

5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Pamaskong Handog.

6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium. Nakikipag-ugnayan ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators.




Narito naman ang mensahe ni Mayor Vico Sotto para sa lahat ng Pasigueño:

1. Para magbigay-saya sa bawat Pamilya Pasigueño. Ito siyempre ang pinaka una;

2. Para ipakita na posible ang serbisyo na walang palakasan. Simbolo ng pagbasag ng "patronage politics", sa paraan na madaling maunawaan. (sa tradisyonal, grupo-grupo tapos pag kadikit ng mayor mas maraming nakukuha. Sa atin, walang pinipili.)

3. Nakakatulong ito sa mga inisyatiba natin tungo sa "data-driven governance" (gaya ng census, PasigPass).



Ang Pasig ay isa sa mga lungsod sa Metro Manila na nangunguna sa pamimigay ng Pamaskong Handog sa kanilang mga nasasakupan gaya ng Taguig at Makati.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!
philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento