3 patay sa pamamaril sa Taguig City


Tinitingnan na ng Taguig City Police ang anggulong crime of passion sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Fort Bonifacio kaninang madaling araw na ikinasawi ng 3 indibidwal.


Kinilala ni P/Col. Robert Baesa, Taguig City Chief of Police ang mga biktimang sina Marie Angelica Belina, nobyo nitong si Tashane Joshua Branzuela at si Mark Ian Desquitado na isang grab driver. 

Nangyari ang insidente sa harap ng tinutuluyang transient house nila Belina at Branzuela sa Blk 5 Zone 1 ng naturang barangay.

loading...

Nabatid na isang miyembro ng unipormadong hanay ang suspek na dating naging karelasyon umano ng biktimang si Belina na agad tumakas matapos isakatuparan ang masamang balak.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinundo nila Belina at Desquitado si Branzuela sa Batangas pier at hinatid sa tinutuluyang transient house bago tumulak sa NAIA nang mangyari ang insidente. 

Dead on the spot sina Belina at ang Grab driver na si Desquitado habang nagawa pang isugod sa ospital si Branzuela subalit. idineklara na itong dead on arrival. 

Dahil dito, agad ipinag-utos ni Southern Police District o SPD Acting Director, P/Col. Kirby John Kraft ang pagtugis sa suspek na nananatiling at large.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!
philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento