Security guard, walang awang ginulungan ng driver ng isang RAV4 SUV


Tinakbuhan matapos banggain at sagasaan pa ng SUV ang isang security guard na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City, ayon sa ulat ni Nico Waje nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Christian Joseph Floralde na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital.

Naganap ang insidente bandang 4 p.m. nitong Linggo sa intersection ng Julio Vargas Avenue at St. Francis Street sa Mandaluyong.

Panoorin ang buong insidente dito:
loading...

Sa kuha ng dashcam, makikitang pinahinto ni Floralde ang isang puting SUV ngunit sa halip na huminto ay tinumbok siya nito.

Kita rin na sa halip na bumaba ang driver ng SUV ay sinagasaan pa nito ang nakahandusay na biktima.


Kuwento ng may-ari ng dashcam video, hinabol ng ilang enforcer ang SUV ngunit hindi ito inabutan.

Ayon naman sa kinakasama ng biktima na si Arceli Flores, nahihirapan huminga si Floralde dahil sa pinsalang tinamo sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan.
Ayon naman sa Mandaluyong Police, alam na nila ang plate number ng nakasagasang SUV.

"The Guard was hit by a White Toyota RAV 4 with plate number NCO 3781, which is now under verification to LTO (Land Transportation Office) in order to identify the owner and driver during the incident," sabi nito.



Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!
philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento