Taguig handa na sa pagbukas ng in-person learning ngayong taon


Isa ang Taguig City sa inaprubahan ng Department of Education (DepEd) sa mga pilot cities na maaring magbukas ng in-person learning sa oras na payagan na ang ganitong sistema sa National Capital Region (NCR).


loading...
Ayon sa Taguig LGU, nagtiwala ang DepEd na isagawa ito sa kanilang lungsod matapos nilang makapagtala ng 1 million jabs administered, bukod pa sa pagpapanatili ng mababang fatality rate na 0.78%.


Loading...

Sinabi ni Dr. George Tizon, hepe ng City Education Office ng Taguig, na sa oras na magbukas ang klase, gagamit pa rin ang LGU ng distance learning para sa ibang hindi papayag sa in-person learning.
Samantala bilang suporta naman sa muling pagbubukas ng klase, namahagi ang Taguig LGU ng New Normal Education Package.

Ito'y kinabibilangan ng bag, school uniform, P.E uniform, raincoat, modules, supplies, emergency bag, at emergency kit.

"Ngayon po for school year 2021-2022 we have a total of around 134,415 students who will receive all this complete sets of school supplies from head to toe together with the anti-COVID kits, and for our teachers -- we have 5,000 public school teachers who will also receive anti-COVID kits  and PPEs to make sure that they are also protected while doing their tasks at school ,” pahayag ni Tizon.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento