Kamakailan kasi ay nagpahayag ng pagkadismaya si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa isang interview sa isang istasyon tungkol sa nasabing hindi pagtulong sa mga nalipat na taga-Maynila sa Naic, Cavite.
Narito ang laman ng post ni Gov. Jonvic Remulla:
loading...
"#MedyoECQ Ep. 5 "FAMEWHORE"
“Ambition is vital, but dangerous; it is a keen motive and a driving force, but over what edge can it drive the artist?”
- Eric Maisel, American Psychotherapist
Malaking problema ang laging dala ng SAP. Maraming galit, puot at hinagpis.
Ang tanong ng nakararami: Bakit hindi kami kasali sa SAP?
Inuulit ko po na hindi kasama ang Tanggapan ng Gobernador sa pamimigay ng SAP.
Ako po ay taga-agapay at taga-abiso lamang. Maliwanag po na ito ay galing sa direktiba ng National Government via the DSWD. Ngunit tuloy po ang aking pakikipag-ugnayan sa mga Mayor ukol sa kanilang mga problema sa SAP.
Kamakailan lamang ay nagpahayag sa ABS-CBN News si Mayor Isko “Yorme” Domagoso. Dito kinastigo niya si Mayor Jun Dualan ng Naic, Cavite.
Ito ay dahil sa hindi o huling pagbibigay ng SAP sa ilang residente ng Naic na mga bagong salta galing Maynila. Sila ay mga relocatees na dating mga informal settlers sa Maynila na tinanggap ng Naic para makatira sa mga bahay na galing sa programa ng NHA.
Gusto ko lang po sanang ipagtanggol si Mayor Jun:
1. Population: Manila 1,930,686 vs Naic 130,461
2. Annual Population Growth Rate 1.43% vs 4.57%
3. Annual Budget P20B vs P380M
4. Per Capita Budget P10,359.01 vs P2,912.75
5. SAP Allocation P1,523,278,000 vs P115,822,000
6. Relocated families from Manila to Naic: 1,092 families
Yung sinasabi ni Yorme na hindi binigyan ng SAP ang mga galing Maynila? Ito ay dahil kulang ang ibinigay ng National Government ayon sa kada-pamilya na apektado:
Loading...
1. Ang bilang ng SAP ay ayon sa 2010 census. Ibig sabihin, ang SAP na para sa 1,092 pamilya ay naka-pondo po ngayon sa Maynila at hindi sa Naic. Lumipat lamang ang mga pamilya na ito noong 2019. Kaya't sinong Mayor ang may hawak ng pera?!
2. Yorme, huwag mo namang sabihin na hindi namin iniintindi ang mga galing Maynila. Sila ay nag-aaral sa aming mga paaralan at humingi ng tulong sa aming Mayor. Nag-aaral ang mga kabataan sa aming State University ng libre. Lahat ng basic services ay binibigay namin. Kahit galing Maynila, basta lumipat sa Cavite ay Caviteño na rin ang turing namin.
3. Kahit papaano ay naghahanap kami ng paraan para sa 4.2 milyon na katao dito sa Cavite.
Noong pumutok ang Taal, tinanggap namin ang humigit kumulang sa 50,000 na Batangueño dito sa Cavite.
Obligasyon namin bilang kalapit lalawigan ang tanggapin, pakainin, gamutin, protektahan at kupkupin ang lahat ng nangangailangan.
Nakipagtulungan din kami sa mga LGU sa Batangas at pinuno namin ang kanilang mga pagkukulang.
Ngayon, napakatibay ng aming samahan.
Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na.
Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta.
Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño.
Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo.
Hindi ka namin uurungan."
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento