Mag-ina patay sa pamamarili ng pulis sa Paniqui, Tarlac

Patay sina Aling Sonya , 52 anyos, at Frank Anthony, 25 anyos, matapos barilin ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, isang pulis na naka-assign sa Parañaque City Crime laboratory at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, patay ang mag- ina matapos barilin ng isang pulis sa Purok 2, Brgy. Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac nitong Linggo 5:10 ng hapon.
loading...
Bago ang insidente may alitan ang pulis na si Jonel at ang mag-ina na si Alin Sonya at Frank dahil sa init ng ulo hindi na napigilan ng pulis na hugutin ang kanyang baril.

Loading...
Iniulat ng Pangasinan Municipal Police na sumuko ang suspek sa kanila bandang alas-6:19 ng gabi.

Agad inilipat ang suspek sa Paniqui Municipal Police. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Panoori ang FULL VIDEO dito: 

RELATED: Cop behind Tarlac double murder has 2 other homicide, grave misconduct cases

UPDATE


Kinondena ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagpatay sa mag-ina bilang "blood murder."

"Kitang-kita naman natin ito, ito ay isang blood murder. Kitang-kita sa video, hindi lumalaban 'yong biktima. Hindi naman armado ang mag-ina. Talagang murder ito," aniya.

Dagdag ni Año, sisiguraduhin niyang matatanggal sa serbisyo ang suspek.

"We don't need this kind of policeman. Napakasimpleng bagay lang 'yan para gamitan mo ng armas. Walang justification para barilin mo in cold blood. Talagang point-blank pa 'yong distansiya. Talagang kailangan bigyan natin ng hustisya [ang mga biktima]," aniya.

Hinahanda na ng Paniqui Police ang kasong kriminal laban sa suspek at mahaharap din ito sa administratibong kaso, ayon kay Rombaoa.

Paalala niya, dapat pinaiiral ng pulisya ang maximum tolerance.

"Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin," aniya.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento