Mala-resort na bagong quarantine facility sa Taguig City

Ipinakita ni Speaker Alan Peter Cayetano sa kaniyang Facebook account ang tinawag niyang "nakaka-proud" na bagong quarantine facility na itinayo sa kaniyang bayan sa Taguig City.
Isa ito sa may anim na quarantine facility ng lungsod. Ang quarantine facility para sa mga COVID-19 na pasyenteng 'di kailangan dalhin sa ospital.
loading...

May 'RoboNurse' pa na aalalay sa mga pasyente

Loading...

"Hindi lang dahil sa napakaganda ng pagkakagawa, kundi dahil ito din ay tatayong simbolo ng pag-asa sa ating mga kababayan," ayon kay Cayetano na kinatawan ng nasabing lungsod.

Itinayo ang naturang quarantine facility sa Taguig Lakeshore sa Brgy. Lower Bicutan, na pagdadalhan sa mga magpopositibo sa COVID-19 na hindi naman kailangang dalhin sa ospital.
"Isa kasi sa mga rason kung bakit ayaw ng mga tao magpa-quarantine ay dahil sa takot, ngunit kapag makita nila ang mga facilities na ito, kung gaano kalinis, tibay, ligtas, at kumportable ang mga kwarto, siguradong maiibsan ang kanilang pangamba," sabi ng lider ng mga kongresista.

Sa larawan, makikita ang "RoboNurse" at sina Taguig Mayor Lino Cayetano, at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon, na itinalagang Deputy Chief Implementer and Testing Czar.

Sa nakaraang pahayag, sinabi ni Mayor Lino Cayetano na kompleto sa medical personnel at gamit ang naturang pasilidad.

Mayroong mahigit 5,000 positibong kaso ng COVID-19 sa Taguig, pero nasa mahigit 400 na lang ang active cases at mahigit 40 ang nasawi.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento