14 na katao, huli sa aktong nagsasabong

Arestado ang 14 na indibidwal matapos mahuli sa aktong nagtutupada o sabong sa kasagsagan ng umiiral na General Community Quarantine.

Batay sa police report, nagsagawa ang Raxabago Police Station ng isang operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad sa Balut, Tondo, Sabado ng umaga.

Dito naaresto ang 14 na indibidwal na pawang taga-Tondo, Manila, Navotas City, Malabon City and Caloocan City.
loading...

Sila ay kinilala na sina Jundy Dosal, Anthony Bontigao, Jimmy Savador, Reynaldo Padon, Gaudy Abrea, Rodolfo Francisco, at Rolando Lim.

Kasama rin sina Romulo Francisco, Ritchie Tapdasan, Jackson Magallanes, Ralph Bryan Roldan, Patric Duran, Ricky Gimao, at Rodrigo Insigne sa mga naaresto ng kapulisan.

Loading...

Ayon kay Station 1 Commander Lt. Col. Cristopher Navida, ito ay bahagi ng pinatibay na police operation upang labanan ang patuloy na lumalaganap na ilegal na aktibidad sa lungsod.

Narekober sa mga suspek ang dalawang manok na pang sabong, dalawang steel taring na nakakabit sa manok, at perang nagkakahalagang P4,800.

Pakiusap ni Navida, gamitin ng tama ang pera lalo na ngayong panahong ng pandemya.

"We encourage our kababayan to work hand-in-hand in order for us to lessen the transmission of Covid 19. Let us stop this illegal gambling activity (cockfighting) and save our money for the basic needs of our family," aniya.

Kasalukuyang kinakaharap ng mga suspek ang kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 (Cockfighting) habang nakaditena sa Raxabago Police Station


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento