Narito ang kanyang mensahe:
loading...
IATF, sana po marunong din kayong makinig!
Nitong nagdaang linggo, gumawa kami ng reaction video sa aming Youtube at Facebook channel hinggil sa ipanatutupad na patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious diseases (IATF) tungkol sa paglagay ng barrier sa mga motorsiklo.
Sa kasalukuyan, ang nasabing mga video ay napanood ng 965 thousand na Pilipino sa YT at 1.4 million sa FB. Umani naman ng mahigit 14 million kabuuang reactions ang dalawang video na ito.
Loading...
Sa mahigit 14 million na ito, bawat isa sa kanila ay nagpahayag ng pagtutol at pagkadismaya hinggil sa nasabing patakaraan. Bagamat marami sa kanila ay mga rider, may ilan ding ang hindi ngunit lahat sila ay nagbigay ng dahilan kung bakit sila ay tumututol.
Hindi pa po ba sapat ito na para pag-aralan muna ng IATF kung makabuluhan ba talaga ang paglagay ng barrier sa mga motorsiklo bilang pagrespeto sa kanilang mga hinaing?
At kung sa tingin ng IATF na hindi mahalaga sa kanilang paggawa ng desisyon ang boses ng mga mamamyan, sana man lang kumunsulta sila sa mga eksperto tulad ng mga aerodynamics engineers ukol dito para malaman kung totoo nga ba na ang paglalagay ng barrier ay nagsasanhi ng aksidente tulad ng sinasabi ng mga motorcycle riders.
It defies logic, it defies common sense, it defeats its purpose — ito ang tema ng kabuuang sentimyento ng mga nagbigay ng comments sa naturang mga videos.
Bakit nga raw yung mag asawa, halimbawa, na naka helmet na nga at naka face mask pa, na parehong nakasakay sa isang motor ay kailangan pang lagyan ng barrier?
Bakit pa nga raw lagyan ng barrier ang motorsiklo samantalang di ito kulob at open air di gaya raw ng sa kotse na kulob at ang hangin na hinihinga ng mga sakay ay kulong at umiikot lang sa loob
Mawalang galang na po’t ako po’y humihingi ng pasensya sa mga nag imbento ng barrier para sa motorsiklo dahil may suhestiyon po ako kung inyo po sanang mamarapatin, upang di po kayo pag iisipan na nagkakaroon ng deskriminasyon laban sa mga motorcycle riders.
Bakit hindi rin po ninyo lagyan ng mga barrier ang loob ng mga private car at van? Kasi nga po hindi maiwasan na kung minsan nagsisiksikan ang mga pasehero rito lalo na yung mga back passengers.
Isama ninyo na rin po yung sa eroplano lalo na po yung sa economy class dahil dikit-dikit po yung mga upuan at nag e-elbow to elbow ang mga pasehero rito.
Baka pwede po pati yung ambulansya lagyan na rin po ninyo ng divider kasi nga po kapag may pasyente po ito na inihahatid sa ospital, may mga kasama po itong mga kamag-anak at paramedics at hindi talaga maiiwasan ang kanilang pagsisiksikan.
At kung okay lang po sana baka pwede pati po yung 6x6 na truck ng military na ginagamit ng mga sundalong marines at army sa kanilang operation ay lagyan na rin po ng barrier para hindi magdidikit-dikitan ang ating mga kawal.
Salamat po and have a nice weekend!
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento