Loading...
Nagkaroon ng limang anak sina Lorenzo Alberto Alonso at Brigida de Quintos, ito ay sina Narcisa, Teodora ( ina ni Jose Rizal ), Gregorio, Manuel at Jose Maria, bastardo ang mga ito o anak sa labas dahil kasal parin si Lorenzo kay Paula Florentino.
Nang mamatay sina Lorenzo at Brigida nagdesisyon ang magkakapatid na ipamana ang titulo ng " the order of the Queen Isabel the Catholic " o hawak sa gobyerno ng kanyang ama, Ibinigay nila ito sa kanilang kapatid na bunso na si Jose Maria. Mula noon, Alberto na ang ginamit na apelyedo ni Jose Maria at nanatiling Alonzo ang mga naunang kapatid.
Kinasal si Jose Maria Alberto sa isa ring marangyang pamilya, ito ay si Teodora Formoso, at nagkaroon sila ng mga anak. Maging ang kapangalan ng kanyang asawa na kanyang Ate na si Teodora Alonso ay nakapang-asawa rin ng negosyante na mula sa pamilya ng itsik na si Francisco Mercado.
Ngunit taong 1868, tila magbabago ang kasaysayan ng pamilya ng magkaroon ng tagong-relasyon si Jose Maria Alberto at panganay ni Teodora Alonso na si Saturnina Mercado na kanyang pamangkin, ilang beses itong sinabihan ng kanyang ina ngunit ayaw papigil, hanggang sa magbunga ang kanilang relasyon, at sa taung 1869 dinala ni Teodora Alonso si Saturnina sa malayong bayan upang itago ang pagdadalang-tao nito at taung 1870 sinilang ni Saturnina ang anak nila ng kanyang tiyuhin na pinangalanang Soledad, inilihim ito sa pamilya at inako ni Teodora Alonzo na ito ang bunso n'yang anak.
Isang araw, naligaw rin ng landas si Teodora Formosa at napa-ibig sa isang pininsular na pinuno ng guardia-sibil, kinagulat ito ng lahat, dahil habang nasa bansang Espanya si Jose Maria Alberto na umiiwas sa eskandalo at sa payo narin ng kanyang Ate Teodora, s'ya namang pagsama nito sa ibang lalake, walang malay ang dalawa na pareho nilang napindeho ang isa't-isa.
1872, dumating si Jose Maria sa kanilang bahay, mga kasambahay lamang ang naroon at mga anak nito, nag-init ang ulo nito ng malamang sumama sa ibang lalake, kaya't dali-dali pinahanap si Teodora Formoso at kinulong sa isang silid. Mula noon bantay-sarado na si Teodora Formoso kay Teodora Alonso, pinaki-usapan ni Jose Maria ang kanyang Ate na bantayan ang asawa habang nasa byahe.
Habang nagluluto ng ginatan na may kamoteng-kahoy at saging si Teodora Alonso at Saturnina, may balak si Teodora Formoso upang makawala sa pagbabantay ng mga ito, nilason ni Teodora Formoso ang kanyang aso sa pamamagitan ng pagpapainum dito ng tubig na may cacao na nilagyan n'ya ng gaas, maya-maya dumating na ang mag-ina, at inihain na ang merienda, ngunit tinawag na muna nito ang aso at bago pa maubos ang ginatan namatay na ang aso, agad na nagsisigaw si Teodora Formoso at balak daw s'yang lasunin.
Pina-aresto ni Teodora Formoso si Teodora Alonso sa tangkang panglason daw nito sa kanya, ang humuli ay ang mismong kalaguyo n'ya. nakulong si Teodora Alonso ng higit dalawang-taon. Inamin n'ya ito dahil sa pagpilit ng alkalde upang mapawalang-sala s'ya ngunit hindi naman s'ya pinalaya, pinahuli rin ni Teodora Formoso si Jose Maria na kasabwat daw sa paglason nito ngunit nakalaya ilang buwan lamang ang nakalipas.
Hanggang sa bawian ng buhay ni Jose Maria Alberto, at napa-amin ni Teodora Formoso na may anak s'ya kay Saturnina na si Soledad bago lagutan ng hininga. Totoo nga ang ugong-ugong sa buong bayan na anak ni Jose Maria si Soledad dahil sa taglay nitong ganda na meztisahin, dahil ang ama ay mestizo, mula noon hindi na nakipag-usap ang buong pamilya Alberto sa mga Alonso.
Kung bakit hindi tumungtong man lang si Jose Rizal sa bahay ng mga Alberto sa Biñan ay dahil sa galit ni Teodora Formoso. Una, sa pangingialam at pagsusumbong ni Teodora Alonso sa kinasama n'yang peninsular, at ikalawa ang bunga ng pagkakamali nina Jose Maria at Saturnina na tila kinunsinti ni Teodora Alonzo, na tila pinagmukha daw s'yang tanga ng mahabang panahon.
Si Teodora Formosa ang nagsiksik sa kanyang mga anak na bastardo ang pamilya Alonzo at 'yun narin ang ikinalat n'ya sa mga alta sociedad ng Biñan, na ang pamilya ni Jose Rizal ay mga bastardo, at ang pamilya Alberto lamang ang lihitimong pamilya.
Kaya noong 2012 giniba na ang bahay ng mga Alberto, makalipas ang halos 200 taon, walang pagkilanlan ang bahay na hindi raw parte ng pamilya Alonso ni Jose Rizal. Ang bahay ng puno ng lihim na ngayon ay parte ng lamang ng ating nakaraan.
SOURCE: Historian Dom Sta.Maria, Rizal’s Family members Barbara Cruz-Gonzales and Gemma Cruz-Araneta.
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento