Raffy Tulfo speaks up after backlash from his "teacher-shaming"

Taliwas sa paniniwala ng publiko na nag-apologize si Raffy Tulfo, tinanggap lamang ng hard-hitting broadcast journalist ang suggestion ng netizens na hindi niya dapat pagbitawin sa tungkulin at patanggalan ng lisensiya ang teacher na inireklamo ng child abuse ng magulang at lola ng isang estudyante.

Loading...


Malinaw ang pahayag ni Tulfo sa broadcast nito sa kanyang teleradyo program noong Biyernes, Nobyembre 22, na pinakinggan lamang niya ang saloobin ng netizens na mahigpit na tinutulan ang kanyang sinabing dapat mag-resign at tanggalan ng lisensiya ang guro, na nakakuha ng suporta at simpatiya mula sa taumbayan.

BASAHIN: Teacher shamed in TV show denied of due process - DepEd

Saad ng media personality, "This is one of the rare moment na ako po ay makikinig sa mga netizens.

"Why? Meron kasi tayong segment sa Aksyon sa Tanghali na kung tawagin ay 'Netizen Power.'

"Ang 'Netizen Power' ay isang segment sa Aksyon sa Tanghali na kung saan yung mga netizen ay binibigyan ng boses at kapangyarihan, and this is one instance na kung saan, e, yung segment na ‘yan ay maha-highlight mo.

"Maraming netizen ang nagta-tag sa atin, in fact, marami ang nagagalit dahil dun sa naging desisyon nating hindi maganda ang pagkaka-handle sa desisyon na yun.

"Yes, I’m going to listen to our netizens dahil nga naman kung walang netizens, wala tayong show."

Patuloy niya, "So having said that, ang gagawin ko na lang, yung si teacher at itong parent ng bata ay pagbabatiin ko na lang.

"At may point nga naman sila na very harsh daw yung desisyon na pag-resign-in si teacher.

"Although si teacher, she really admitted na meron siyang pagkakasala dun."

Pinandigan ni Tulfo ang una niyang sinabi na "child abuse" ang ginawa ng teacher sa estudyante nito.

"Kung tutuusin child abuse nga yun dahil pinahiya niya yung bata," sabi niya.

BASAHIN: Raffy Tulfo hits back at DepEd over teacher issue

TULFO ADMITS TO GETTING EMOTIONAL

Ummain si Tulfo na naging emosyonal siya dahil nadala rin siya sa emosyon ng mga nagsusumbong.

Idinagdag ni Tulfo na hindi na dapat sibakin ang teacher, pero dapat patawan pa rin ito ng parusa dahil sa naging trato nito sa estudyante.

Paliwanag niya, "On the other hand, kailangan pa rin siya na ma-sanction.

"Siguro turuan siya ng maximum tolerance dahil ang tinuturuan niya ay mga bata dahil kapag mga bata ang tinuturuan, talagang magiging pasaway ‘yan.

"At para dun sa mga hindi nakakaalam pa, the reason kung bakit yung bata ay ipinahiya ni teacher ay sapagkat nakalimutan nung bata na dalhin yung card.

"Yun lang ang mistake nung bata, napaka-minor lang.

"Nakalimutan niyang dalhin yung card, pinahiya na siya ni teacher, so merong mali si teacher.

"At kung pakikinggan niyo yung side ni teacher, may mali rin daw yung bata sapagkat yung bata raw ay makulit.

BASAHIN: Netizens react to Raffy Tulfo's judgement against a teacher

"Now, sino ang mag-a-adjust sa situation na yun?

"Dapat yung teacher kung tutuusin, siya yung nakakatanda.

"Siya yung may training, yung bata walang training, di ba?

"She was supposed to be kind how to handle kids that doesn’t behave well.

"But, anyhow, to make it short, tayo po, hindi pa suspendido yung teacher, hindi pa.

“Tayo po ay makikinig sa mga netizen sa kanilang panawagan na huwag nang pasibakin si teacher.

"Yes, I do agree with you," mahabang paliwanag ni Raffy.

Paghaharapin daw ni Tulfo sa kanyang programa bukas, Nobyember 25, ang teacher at ang complainants para magkasundo na ang magkabilang-panig.

Bagamat pinayuhan din ni Tulfo ang ina ng bata na huwag nang ituloy ang planong sampahan ng kaso ang embattled teacher, malinaw sa kanyang pahayag na nakikisimpatiya siya sa magulang ng estudyante.

Saad niya, "Huwag nang patanggalan ng lisensiya, huwag nang idemanda.

"Naniniwala po ako sa inyo dahil alam ko yung bata, hindi magsisinungaling."

Dagdag ni Tulfo, "However, sabi nga ng mga netizen, it doesn’t fit the punishment, yun pong request ninyo na sibakin sa serbisyo.

"Ako po ay nagpapasalamat din sa mga netizen sa mga ganitong klase ng sitwasyon na kung saan ivinoice out nila ang kanilang opinyon at saloobin.

"At nagpapasalamat din ako bagamat nagagalit sila, wala akong nabasa, walang nabasa ang staff na minumura tayo.

"Okey lang yun, hindi niyo nagustuhan yung video, hindi niyo nagustuhan ang desisyon ko.

"Tao lang naman ako, hindi ako perpekto."

Kasunod nito ay sinabi ni Tulfo ang pinagdadaanan niya sa pagharap sa daan-daang mga taong nais idulog ang mga problema nila sa kanya.

"This is the time siguro para sabihin ko sa mga netizen, ano ba ang kalagayan ko diyan sa ating programa?

"Hindi po madali ang ginagawa ko po at ang ginagawa po ng mga tao.

"Daan–daan pong katao ang gustong makipag-usap sa akin.

"Every single day, dose-dosena po ang mga problema na inaaksyunan ko.

"By the time pagdating po ng hapon, pagod na pagod na ako.

"Kung minsan, bago pa lang ako maisalang sa tanghali, yung isang problema, pagod na ako, kasi may tinatawag na off-air na pag-iinterbyu at pagbibigay solusyon sa mga problema.

"So, mahirap po talaga yung mga ginagawa namin," ani Tulfo.

BINATO NG ERASER

Ibinahagi rin ni Tulfo na naranasan din niyang mabato ng eraser dahil sa kanyang kakulitan.

Lahad niya, "Ako po nung nasa elementary, binabato po ako ng eraser ng aking teacher dahil napakakulit ko po.

"Ang ginagawa ng teacher, matapos akong batuhin, inililipat po ako ng ibang upuan, pero po hindi sa labas.

"Sa kabilang banda, yung father ko po, provincial commander, may puwesto po sa militar, never po na gumanti yung parents ko.

"Never po na pinasibak namin yung teacher na kaya naman gawin ng parents kung gugustuhin dahil that time na nasa kapangyarihan sila.

"Ang message ko lang dito, siguro yung father ko, nasa old school pa rin.

"At that time, tama lang na paminsan-minsan, dinidisiplina yung mga batang pasaway."




TEACHER AND FAMILY OF STUDENT SETTLE ISSUE

Sa kabilang banda, nagkaayos na ang teacher at ang mga magulang ng estudyante.

Ito ang ipinaabot na mensahe ni Atty. Joseph Noel Estrada, ang abugadong tumutulong sa guro na inireklamo sa programa ni Tuulfo, sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Linggo, Nobyembre 24.

Ipinaalam din ni Atty. Estrada na tumanggi ang guro sa imbitasyong bumalik ito sa programa ni Tulfo.

Narito ang kabuuang pahayag ng abugado ng guro:

"Last Friday, teacher and the parents already had an arrangement facilitated by the DepEd Supervisor concerned to make sure that the child’s education will not be disrupted and distracted by the recent developments. The parties also shook hands.

"With this, teacher respectfully declines any invitation to go back to the tv program on Monday for any reason whatsoever. She just wants to rest and have peace.

"For now, my job is to make sure we cooperate with the DepEd for any internal investigation and also to formally answer any administrative complaint against teacher, should there be any.

"My priority is to ensure that she keeps her job, her morale restored, and her reputation in tact.

"My personal appeal is for the network to initiate a review of the program, revisit its format, investigate whether there are excesses committed in relation to the case of teacher, and consider temporarily suspending its airing for so long as necessary.

"Teacher as of now does not intend to file any complaint whatsover against her accusers, the network, and the show host.

"Please allow her to rest and keep her peace so she can go back to her teaching duties.

"Thank you for your understanding."

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento