DOTr, LTFRB puspusan sa paghahanda sa implementasyon ng PUVMP

LUNGSOD NG BUTUAN, Oktubre 9 (PIA) - Puspusan na ang paghahanda ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa rehiyon ng Caraga.

Sa katunayan, may ilang units ng electronic at solar modernized PUVs ang dumating sa Butuan City at magsisimula nang bumiyahe sa mga nakatalagang rota sa lungsod, maging sa ibang probinsya ngayong buwan ng Oktubre.

Sa isinagawang PUV Caravan sa lungsod ng Butuan na dinaluhan ng transport cooperatives sa Caraga, nakasama ng operators at drivers ang manufacturers mula sa ibat-ibang kompanya kung saan mas nabigyang-linaw ang concerns sa pag-operate sa modernized PUVs.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP) upang mas maintindihan ng transport sector kung papaano makakuha ng financial assistance.

Ibinahagi ni Jose Evagelous Lawenko, chairperson ng Diamond Transport Service Cooperative (DATSCO) na sa tulong ng LTFRB, naging mabilis din ang kanilang pagproseso ng loan sa bangko. pinaliwanag din niya ang magandang benepisyo sa PUVMP.

“Sa ibang hindi kasali sa coop, ang iniisip nila na mahal nga ang unit. Paano ba daw ang pagbayad o downpayment. Wala namang down yan, hindi naman sila magbibigay ng down payment. Tapos hindi naman sila magbabayad kahit piso, dahil base na rin sa automatic per collection system, automatic din yung amortization doon sa bank kaya wala silang babayaran. So ganyan kaganda ang modernization, kasi hindi sila magbabayad pero kasama sila sa sharing ng kita,” paliwanag ni Lawenko.

Nagpahayag din ng reaksyon ang ilang mga drivers. “Dapat sana hindi ito madaliin dahil mawawalan ng trabaho ang mga drivers. Kung matuloy na ito, kailangang mabigyan din ng trabaho ang mga drivers para may pangsuporta rin sila sa kani-kanilang pamilya,” pahayag ni Nicasio Sabellano.

“Okay lang naman ang modernization, wala namang problema doon kasi tama din naman 'yun. Ang hindi ko lang nagustuhan yung kailangang maging miyembro ng kooperatiba ang lahat. Dagdag perwesyo na aksi yun,” sabi ni Celedonio Goyocan, isa ring driver.

Ayon naman kay OIC-regional director Maria Kristina Cassion ng LTFRB-Caraga, ang PUVMP ang pinakamalaking non-infrastructure flagship program ng administrasyong Duterte. Napapanahon na rin na maranasan ng publiko ang mas komportable at ligtas na biyahe. Suportado naman ito ng mga transport cooperatives sa rehiyon.

Pagtitiyak naman ng opisyal na sa taong 2020, wala nang matitirang lumang pampublikong sasakyan.

“Matapos ang taong 2020, wala na talaga sila. Kasi sa July 1, 2020, wala nang lumang na mga public utility vehicles ang papayagan. Alam naman nila kung gaano tayo kahigpit. Kahit nuon pa, ilan na yong nahuhuli namin. Kaya alam din nila na magkakahulihan na sa July 1, 2020,” sabi ni Cassion.

Loading...



Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento