Taguig namigay ng mahabang medyas para iwas Dengue

Alam n’yo bang hindi lang tuwing taglamig maaaring suotin ang knee-high socks? Dahil sa Taguig, isa na rin ito sa mga solusyon upang maiwasan ang dengue.


Loading...

Sa lumipas na ilang buwan, kapansin-pansin ang pagtaas ng kaso ng may dengue sa Taguig City na umabot sa mahigit 100 porsiyento kumpara noong nakaraang taon. Karamihan sa mga biktima ay mga mag-aaral kung saan pinapangambahan na bukod sa kanilang mga tahanan, malaki ang tyansa na maaari nilang makuha ang naturang sakit sa kanilang mga paaralan.

Ayon sa Taguig City government, sila ay mamimigay ng 90,000 knee-high socks sa 145,000 na pampublikong paaralan ngayong buwan. Una nang nakatanggap ng dalawang pares na medyas ang 4,375 na mag-aaral ng EM’s Signal Village Elementary School noong Setyembre 18.

Bilang paglilinaw, ang mga mag-aaral mula kindergarten, grade 1, 2, at 3 ang bibigyan ng dalawang pares, samantalang mga babae lamang mula sa grade 4 hanggang 12 ang bibigyan sa kadahilanang ang mga lalaking mag-aaral mula sa mga baitang na ito ay nagsusuot na ng slacks pants.

Ang programang ito ay nakahanay sa ilalim ng 4S antidengue strategy ng lungsod. Una na rito ang search and destroy mosquito breeding places, ikalawa ang seek early consultation on the first signs and symptoms of dengue, at ikatlo ang say yes to fogging.

Mariing isinasagawa ng Taguig City ang mga hakbang at programang kanilang inihain upang maiwasan at matigil na ang pagdami ng kaso ng dengue dahil mula January hanggang August nitong taon ay nagkaroon na ng 490 na dengue cases sa lugar at dalawa rito ay hindi na naagapan.

Simple man na paraan ang paggamit ng mga naturang medyas, tiyak na may dulot pa rin itong tulong upang maiwasan at hindi na maging biktima ng nakababahalang dengue ang mga kabataan sa kanilang tahanan at lalong-lalo na sa paaralan.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento