Pasig LGU target na matapos ang Kenneth Avenue road project sa 2020

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto ay tina-target nila ni Congressman Roman Romulo na matatapos ang gagawing Kenneth Avenue road project sa Nagpayong area ng Brgy. Pinagbuhatan sa darating na taon.

Loading...

Sinabi ni Sotto sa kaniyang Facebook post na ginugol niya ang halos buong hapon kahapon, araw ng Linggo, sa nasabing barangay.

“Sa ngayon, may nangyayari nang tunay na pag-unlad. Inaasahan namin ni Cong[ressman] Roman [Romulo] na matatapos namin ang Kenneth Avenue [road project] sa darating na taong 2020,” sabi pa ni Sotto.

Ang Nagpayong area ng Brgy. Pinagbuhatan ay dating matubig na lugar na puno ng water lily at nang dakong huli ay tinambakan ito hanggang sa na-develop at naging residential area.

Isang hamon aniya ang problema sa mga usapin sa lupa. Sa kasalukuyan, hindi pa awarded ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA) ang karamihan sa mga lupain.

May territorial issues din sa pagitan ng Pasig City at bayan ng Taytay, Rizal na nagdulot ng kalituhan sa mga residente.

Marami ang nakatira sa “area” ng Taytay, ngunit nagbabayad di-umano sila ng kanilang mga buwis sa Pasig at marami din ang nagnanais na masakop sila ng Pasig.

Idinagdag pa ni Vico na ang Kenneth Avenue, na isang main road, ay napabayaan ng maraming taon at hindi nabigyan ng pansin.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento