Loading...
Sa pamamagitan ng isang sulat ay pormal na inireklamo ni Pialago kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes ang diumano’y paninigaw at pananakit na ginawa sa kanya ng reporter. Inireklamo rin niya ang paninirang-puri sa kanya ni Ms. Bigornia.
Nangyari ang insidente sa isinagawang fire drill sa Makati City Hall. Hindi sinasadyang nabangga ni Pialago si Doris Bigornia at agad naman daw siyang humingi ng paumanhin sa nangyari subalit sinigaw-sigawan daw siya ng reporter at sinaktan pa.
“I accidentally bumped into Ms. Bigornia. I apologized to her but instead she struck me and kept shouting at me as if I deliberately did it,” reklamo ni Pialago.
Inilahad na rin ni Pialago ang iba pang insidente kung saan hiniya raw siya ni Bigornia.
“During a press conference she shouted to her camera operator, ‘Si GM (MMDA GM Jojo Garcia) lang kukunan mo sa frame ‘wag mo isama ‘yang katabi niya,” sabi raw ni Doris Bigornia, ayon kay Pialago.
“She was backstabbing me, saying my nose is fake, my body is fake, and everything about me is fake and that is totally below the belt,” dagdag reklamo pa ng MMDA spokesperson.
Bukod sa reklamo, nakiusap si Pialago sa ABS-CBN na sana ay ibang reporter na lang ang mag-cover sa MMDA beat.
Nagbigay naman ng pahayag ang ABS-CBN at sinabing ipauubaya sa Office of the Network Ombudsman ang imbestigasyon sa reklamo ni Pialago.
Narito ang pahayag ng TV network:
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento