‘Dignidad at integridad higit sa marka’: Millennial teacher, nagdala ng inspirasyon sa netizens


  • Nagdala ng inspirasyon sa social media ang isang guro dahil sa mga isinulat niya sa pisara
  • Binigyang-diin ng millennial teacher na si Loe Baloro ang kahalagahan ng dignidad at integridad
  • Dagdag pa niya, mas mahalaga pa rin ang pagiging makatao kaysa sa mataas na marka


Loading...

Nagdala ng inspirasyon sa libo-libong social media users ang isang millennial teacher dahil sa mga aral sa buhay na isinulat niya sa pisara.

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Buhay Teacher ang larawan ni Baloro sa tabi ng kanyang pisara.

“Maging estudyanteng may integridad at dignidad,” wika ng teacher sa isinulat niya sa chalkboard. “Aanhin mo ang mataas na grado kung ang ugali mo naman ay hindi makatao?” dagdag pa niya.

Marami ang na-inspire sa nasabing post na nakakuha na ng lampas 1,500 shares at mahigit 5,200 reactions, as of posting. Marami rin ang nagpahayag ng paghanga sa guro sa comments section nito.

“Na-appreciate ko sa lahat ng mga nabasa kong post ng guro. Maganda, Sir, walang halong arte at panggagaya hindi katulad ng iba,” saad ng Facebook user na si Agnes Argamosa.

“Tama, ‘yan ang dapat matutunan ng mga kabataan ngayon,” kumento ni Dolores Barros.

“Yes. Thanks sa mga teacher na faithful sa tungkulin nila. God bless,” wika naman ni Teodora Dimaano .

At dahil nagdadala na ngayon ng inspirasyon ang kanilang guro, proud na proud na nag-comment at nag-share ng nasabing post ang mga mag-aaral na tinuturuan at minsan nang tinuruan ni Baloro.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento