Kalagayan ng Binurong Point sa Catanduanes, kinompirma ng DOT

Image may contain: ocean, sky, outdoor, nature and water
Muling tiniyak ni Tourism Officer Carmel Garcia na walang dapat ikabahala o ipangamba ang publiko kaugnay ng kasalukuyang estado ng Binurong Point.



Ayon kay Garcia, “the area which was graciously opened by the private owners for tourism activities is still in its pristine state.” Base aniya ito sa isinagawa nilang validation sa lugar kahapon kasama ang mga kinatawan ng DENR at LGU-Baras.

Nilinaw din ni Garcia na ang access road na dinaanan ng mga motorized vehicle patungo sa tuktok ng Binurong ay hiwalay na ruta sa dating trail na dinaraanan ng mga turistang nagtutungo doon. Ang nasabing access road ay para lang din umano sa mga private owners at hindi ito bukas sa publiko.

Sa isyu naman ng kung meron bang nangyaring paglabag sa environmental law kaugnay ng pagbubukas ng access road na ito, ang DENR aniya ang mas nasa tamang posisyon para magbigay ng pahayag ukol dito.

Samantala, umapela si Garcia sa netizens na maghinay-hinay sa pagbibigay ng komento partikular na sa private owners ng Binurong. Ipinaalala nitong walang kinukuhang kahit isang sentimo ang mga may-ari ng lugar mula sa entrance at parking fees na ibinabayad ng mga turista dahil ito aniya’y napupunta sa barangay at lokal na pamahalaan doon.

Simula kahapon ay pansamantalang isinara muna sa publiko ang Binurong Point base na rin sa naging rekomendasyon ng Provincial Tourism Office at DENR.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento