Isang kapitan ang inirereklamo ngayon ng kanyang nasasakupan sa Alaminos City, Pangasinan matapos nitong magwala at awayin ang mga residenteng hindi bumoto sa kanya.
Ayon sa ulat ng GMA news, nagwala angg nanalong kapitan dahil naliitan umano ito sa nakuhang boto.
Kinilala ang kapitan na si Salvador Dona kung saan nakuhanang nagwawala sa Barangay Landoc.
Kuha sa video na sinabi ng kapitan na siya umano ang siga sa lugar na iyon.
Natakot ang ilang residente sa pagbabanta ng kapitan lalo na at nakainum umano ito ng mangyari ang pagwawala.
Saad naman ng 85 anyos na lolo, hindi tama na pagbantaan siya ng kapitan dahil wala naman daw siyang ginawang masama.
“Wala naman akong alam na kasalanan. Hindi naman ako lider kung hindi ordinaryong tao ako na botante. ‘Di naman ako kandidato eh, bakit niya ako igaganun,” ayon sa Lolo.
Ayon pa sa ulat, sinapak rin umano ng kapitan ang matanda.
Naglabas rin ng sama ng loob ang ibang residente dahil sa panghaharass sa kanila at pagbabanta sa kanilang buhay.
Iniimbestigahan na rin ng mga pulis ang nagyaring insidente at maaaring maharap sa kasong administratibo ang kapitan kapag napatunayan ito sa korte.
Panoorin ang buong ulat:
Source: GMA
0 Mga Komento