NEDA: P10K bawat buwan, sapat na sa pamilyang may 5 miyembro

Image result for NEDA: P10K bawat buwan, sapat na sa pamilyang may 5 miyembro
Sa harap ng mga hinaing sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo, inihayag ng National Economic Development Authority kung paano maaaring pagkasyahin ng isang pamilyang may limang miyembro ang P10,000 sa isang buwan.

Sa ulat ni Maki Pulido sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, naglabas ng sample household budget ang NEDA para ipakita na kasya na ang P3,834  na budget para sa pagkain ng buong pamilya sa loob ng 30 araw o isang buwan.
Sa panayam kay Undersecretary Rosemarie Edillon ng NEDA, sinabi niyang "hypothetical figure" lamang ang P10,000 na kanilang ginawang halimbawa.


Batay sa pagtaya ng NEDA, P127 lang bawat araw ang kailangang ilaan ng isang pamilya para sa pagkain.
Nitong Martes, inihayag ng NEDA na naitala ang 4.6 porsiyentong inflation rate nitong Mayo, na pinakataas sa loob ng mahigit limang taon.
"Siguro fifth level ka na nun. Hindi ka poor. Kasi ang poor, mababa ang poverty line," sabi ni Edillon sa 24 Oras.
Ang inflation rate ang sukatan sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento