Jay Sonza kay Pangulong Duterte: ‘Salamat po sa matinong gobyerno natin’


Nakakatuwa ang pagbabago sa ating bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nitong Biyernes, magandang balita ang bumungad sa mga mananakay dahil wala ng tulakan at mahahabang pila na dati’y hindi magkamayaw ang mga pasahero lalo na tuwing rush hour.
Sa Facebook post ni Jay Sonza, isang beteranong mamamahayag, taos pusong nagpasalamat siya sa administrasyong Duterte sa pagsasaayos ng MRT-3.
Saad rin ni Sonza, mahigit isang taon ding sinisi ang administrasyong Duterte dahil sa kabi-kabilang isyu sa MRT 3 na gawa ng kapalpakan ng nakaraang administrasyon.
Dagdag paniya, bilyong pisong pondo ang nakurakot sa mga opisyal sa administrasyong Aquino.
Mula noon, malaking perwisyo na ang naidudulot ng aberya sa tren, mahahabang pila sa jeep o bus at lalo na ang trapik sa EDSA.
Matapos ang Semana Santa, labing-anim na tren na ang nagagamit at naging dahilan ito upang mawala ang haba ng pila. Ang paghihintay ng mga pasahero sa tren ay umaabot na lamang ng anim hanggang sitong minuto.
Image result for jay sonza
Image result for Duterte
Kaya labis ang tuwa ng mga Pilipino, higit na ang mga mamakay na sa wakas naging maayos na rin ang MRT.
Basahin ang buong pahayag ni Sonza:
“SALAMAT. THANK YOU.
SA NGALAN NG MGA LIBO-LIBONG MANANAKAY SA MRT 3, NAIS NAMING IPARATING ANG AMING TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA LAHAT NG KINAUUKULAN SA MAAGAP AT DALISAY NA PAGSASAAYOS NITONG MASS TRANSPORT SYSTEM.
MAHIGIT DIN ISANG TAON NA KALIWAT-KANAN ANG BATIKOS ANG INABOT NG DUTERTE ADMINISTRATION SA KAPALPAKAN NG MRT 3. IYON PALA, ANG BILYONG PISONG PONDO PARA SA MAAYOS NA TAKBO NITO AY NAPAG-ALAMANG KINURAKOT PALA NG MGA OPISYAL NI PANGULONG NOYNOY AQUINO.
MATAPOS LANG BUWAN LAMANG NG MATINONG PANGANGASIWA, 16 NA SET NG MGA TRAIN AT BAGON ANG MAHINUSAY NA TUMATAKBO NA. UNTI-UNTI NG NAWAWALA ANG SIKSIKAN. NASA ORAS NA ANG MGA BIYAHE. ILANG PANAHON NA LAMANG, TULUYAN NG MAISASAAYOS ANG LAHAT NG MGA KABULASTUGANG GINAWA NINA ROXAS, ABAYA AT IBA PANG KINILALA NA SANGKOT SA PANGGAHASA SA MRT 3 AT PONDO NITO.
SALAMAT PO SA MATINONG GOBYERNO NATIN.”
Source: Jay Sonza

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento