Marami ang nag-react, sumang-ayon, yung iba ay nagalit dahil sa mga sinabi ni Keneth Quinto sa isang post sa Facebook.
Ang post ay kanya raw pahayag para sa mga iresponsableng mga blogger na nagpasikat sa mga lugar sa Pilipinas na dinarayo naman ng libo-libong turista nitong Holy Week. Matapos mag-trending ang mga magkabilang pambababoy ng mga turista sa ilang beach sa Pilipinas.
Ayon sa post niya sa Facebook:
“Saan aabot ang 500 pesos mo? 😍💕”Iba't iba ang naging reaksyon ng mga tao sa post na ito:
“Saan aabot ang 1,000 pesos mo? 😱👏🏻”
‘Yan ang kadalasang tanong ng mga travel blogger wannabes o mga feelingerang blogger kuno na bida-bida sa social media. Tatawagin ko silang IGNOBLOGGER. Mga ignoranteng bloggers sa social media. Halata naman sa mga emojis na ginagamit nila. Duh. ‘Wag n’yo nang itanong pa.
Sila ‘yung makapagpasikat lang o makakuha lang ng likes at shares, wala nang pakialam sa kahihinatnan ng mga pinagpopo-post nila.
Kahapon, napag-alaman kong nag-post din pala ng ganito ang isang taong malapit sa akin. Minor de edad pa lang s’ya nu’ng nag-post s’ya ng ganitong mga hanash; kaya, naiintindihan ko.
“Anong reason mo sa pag-post n’yan?” tanong ko kanya.
“Wala lang,” sagot n’ya.
“Ano’ng wala lang? Dapat may purpose ka.”
“S’yempre para i-share sa mga tao.”
“O, pag nai-share mo na? Ano’ng mangyayari?”
“Eeeeh. Basta. Matagal ko na naman ‘yang pinost eh.”
Wala akong nakuhang direktang sagot.
Ganito rin ba kayo, mga ignobloggers? Pa-promote-promote kunwari ng Pilipinas pero hindi naman alam ang purpose ng pinaggagawa nila.
Karamihan sa inyo, pumupunta lang naman sa mga “hidden paradise” para may pang-Instagram at pam-profile picture eh, ‘di ba? ‘Wag tayong maglokohan dito.
Ngayon, tingnan n’yo ang epekto ng ginawa n’yo. Saan nga ba aabot ang maliit na pera ng mga tao? Magandang tanawin? Puting buhangin? Azul na dagat? Quingina n’yo.
Sana, bago kayo nag-post ng mga ganito, inisip n’yo muna na hindi disiplinado ang karamihan sa mga Pilipino. Kaya nga “hidden” paradise ‘yang mga ‘yan eh. Bakit n’yo ipagsisigawang mga funyeta kayo?
Ano ngayong magagawa ng 500 o 1,000 pesos ng mga taong hinikayat n’yo kung dudumihan lang nila ang kalikasan? Maisasalba ba ng mga likes at shares n’yo ang mga namamatay na mga sea creatures o coral reefs dahil sa mga basurang iniwan ng mga “turista” kunong ito?
Hindi nakapagtatakang mahirap pa rin ang Pilipinas. Malay nga naman natin, baka pinipigilan tayo ng Diyos na yumaman. Isipin n’yo na lang kung mayayaman ang mga Pinoy; ‘yung tipong may pang-travel overseas. Baka sa ibang mga bansa pa sila magkalat at manira ng mga untouched paradises.
Pero nanggigigil talaga ako sa mga ignobloggers na ‘to eh. Hindi muna tinanong ang kanilang mga sarili, “Saan aabot ang kashitan ko?” Well, alam n’yo na ang sagot. Kaya imbis na magbida-bida kayo next time, why not hikayatin n’yo ang mga tao na MAGING RESPONSABLE, ke turista man sila o mga lokal na naninirahan. Hindi pa kayo natuto sa nangyari sa Boracay. Ibang lugar naman ang gusto n’yong ipasira.
Isa pa, hindi naman kayo binayaran ng mga resorts na ‘yan para ibida n’yo sila sa social media. Pabida lang talaga kayong mga funyeta. Pakak!
0 Mga Komento