Bakit asul ang lupa sa isang lugar na dinarayo sa Sagada?

Related image

Dinagsa ng mga turista ang Sagada, Mt. Province nitong nakaraang Holy Week. Bukod sa malamig na klima, kilala rin kasi ang bayan na ito sa mga aktibidad tulad ng spelunking, caving, at mountain climbing. 


Kabilang sa mga bumisita sa Sagada ay ang hiking enthusiast at artistang si Angel Locsin. Bagama't marami nang bundok na naakyat si Locsin, namangha pa rin siya nang personal na makita ang Kaman-utek Hills o mas kilala bilang "Blue Soil Hills." 
Ang Blue Soil Hills ay isa sa mga pinakabagong tourist attractions sa Sagada.

Related: Sagada Blue Mountain Cabins (How To Get There, Contact Number, How To Book, Everything you need to know)

Ang natatanging blue-green color ng Blue Soil Hills ay dala ng mataas na copper sulfate content ng lupa, ayon sa local tourism office ng Sagada. May mga researchers na rin umanong tumingin sa Blue Hills, at sinabing "safe" naman ito para sa mga turista. Mas tumitingkad ang asul na kulay ng lupa kapag basa ito, ayon sa mga tourist guide. 





Ang Kaman-utek Hills o Blue Soil Hills ay isa sa mga pinakabagong tourist attraction ng Sagada. Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News
Gayumpaman, marami pa ring halaman ang malagong tumutubo sa paligid ng blue soil kahit mataas ang copper sulfate content nito. 
Napalilibutan ang Blue Soil Hills ng matatayog na pine trees, berdeng damo, at local variety ng pitcher plant -- isang carnivorous na uri ng halaman na kadalasang matatagpuan sa mga rain forest. 
Para marating ang Blue Soil Hills, kailangang umarkila ng van mula sa tourism office ng Sagada. Mayroon ding mga tourist guide na puwedeng sumama sa pag-akyat. 

Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News
Parang kabuteng nagsusulputan sa damuhan ang pitcher plant sa Blue Soil Hills tuwing tag-ulan.
Higit-kumulang 30 minutes na trekking ang kailangang pagdaanan bago marating ang Blue Soil Hills mula sa jump off point. Madulas ang lupa kapag umuulan, kaya dapat magdala ng walking stick para hindi matumba. 
Paalala rin ng ilang guide na isapuso ang "take nothing, leave nothing" na mantra ng mga mountaineer. Ang ilang pasaway na turista kasi ay sumusubok magpuslit ng "blue soil" para gawing souvenir.
More of this on Facebook.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento