Dalagita ipinulutan ng kainuman


Mistulang ­ginawang pulutan sa inuman ang isang dalagita nang walang awang gahasain ito ng isa sa kanyang mga nakainuman sa isang bakanteng lote sa Lungsod ng Malabon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng ­Malabon City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD) ay ganap umanong alas-tres ng madaling-araw nang maganap ang ­insidente sa bakanteng lote na matatagpuan sa kahabaan ng Jacinto Street, Barangay Concepcion ng nasabing lungsod.
loading...
Bago ang insidente, napag-alamang nakipag-inuman ang biktimang itinago sa pangalang Licelle, 16, sa kanyang mga kaibigan na kaibigan din ng mga kaibigang lalaki ng suspek na nakila­lang si Jolycees Escala, 20, walang hanapbuhay at residente rin ng nasabing lugar.


Loading...
Nang ­magkalasingan na ay doon na ­umano kinaladkad ng suspek pahiwalay sa grupo ang biktima patungo sa isang bakanteng lote na malapit rin lang sa bahay nito (suspek) at doon nito inumpisahang hubaran at paghahawakan sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima hanggang sa tulu­yang gahasain ito.

Kinaumagahan ay agad ding ipinagbigay alam ng biktima sa kanyang ina ang kahayupang ginawa sa kanya ng suspek, na hindi naman nagdalawang isip at sinamahan ang anak sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaukulang reklamo.

Agad namang naaresto si Escala na hindi na rin nakatanggi sa kanyang ­ginawa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Ma­labon City detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento