Babaeng Rider, Inagrabyado ng Empleyado ng Taguig City Hall; Lungsod Mag-iimbestiga


Isang insidente ng umano’y pang-aagrabyado ang naganap nitong Martes ng hapon sa Taguig City Community Center sa Joseph Sitt, Brgy. Bagumbayan, kung saan sangkot ang isang empleyado ng Taguig City Parks and Recreation Office at isang babaeng delivery rider.



Sa isang video na mabilis na kumalat online, makikitang nagtatalo ang lalaki at ang babaeng rider matapos ireklamo ng empleyado ang natanggap niyang parcel. Ayon sa lalaki, mali raw ang item na kanyang natanggap kahit ito ay kanyang binayaran ng P122.00.

Ipinaliwanag naman ng babaeng rider na hindi niya binuksan ang parcel at wala siyang pananagutan basta’t naipadala niya ito nang maayos. Dagdag pa ng rider, dapat ang reklamo ay idaan sa seller upang makapag-request ng return o refund.

Mapapanood ang buong video dito.

Loading...

Sa kabila ng paliwanag ng rider, patuloy na uminit ang ulo ng lalaki. Nang mapansin niyang kinukunan siya ng video ng rider, banta pa niya ay babasagin niya ang cellphone nito. Agad umatras ang rider ngunit patuloy ang kanyang pagkuha ng video sa insidente bilang proteksyon.



Matapos mag-viral ang video, naglabas ng pahayag ang Taguig City Hall:

“The City of Taguig has been made aware of this video involving a city employee. We take this matter seriously. The City of Taguig has consistently shown that it does not tolerate any form of misconduct by its employees. We will immediately initiate an investigation, hear all sides, and impose penalties if warranted in accordance with civil service rules and regulations.”



Patuloy na hinihintay ang resulta ng imbestigasyon. Samantala, umani naman ng suporta mula sa mga netizens ang babaeng rider na pinuri sa kanyang mahinahon at propesyonal na pagharap sa sitwasyon.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento