Cavite Gov. Jonvic Remulla nagbigay ng pahayag tungkol kay Yorme Isko

Nagbahagi ng kanyang komento ang gobernor ng Cavite na si Jonvic Remulla tungkol sa umiinit na parinigan nila Manila Mayor Isko Moreno at ang administrasyong Duterte kamakailan.


Sa kanyang pahayag nitong umaga ng Miyerkules ay ipinagtanggol ni Gov. Remulla si Yorme Isko na kamakailan lang din ay nakaalitan niya sa social media at di rin naman nagtagal ay nagkabati rin sila.


Narito ang laman ng post ni Gov. Jonvic Remulla:
loading...
YORME Part 2. 

“Good judgement comes from experience and a lot of that comes from bad judgement.”

- Will Rogers, American Film Star

Nitong nakaraan ay tumindig ako para depensahan ang aking Naic Mayor Jun Dualan dahil sa mainit na isyu ng AYUDA. 

Humirit kasi etong si Yorme ng wala są lugar. Ni hindi man lang niya masusing pinag-aralan ang background story o ang buong katotohanan.  

Ngunit noong hapon din namang iyon ay agad niya akong tinawagan. Mabilis kaming nagkabati at nagkasundo. Water under the bridge.

Walang personalan. Trabaho lang. 

AD HOMINEM

Mainit na usapin ngayon ang para bagang bigla na lamang panggigipit at pilit na pang-aalipusta sa butihing Alkalde ng Maynila.  

Kasama na rin dito ang paglurak ng mga nakakataas sa kanyang pagkatao.

Kahit kailanman ay hindi ipinagkaila ni Yorme ang kanyang nakaraan. Siya ay batang Tondo at nagsimula sa wala. Isang kahid, isang tuka.

Noong dekada ’90, siya ay sumabak sa larangan ng showbiz bilang si “Isko Moreno.” Malamang ay marami sa inyo ang nakakaalala sa That’s Entertainment. 

Sa palagay ko, ang nais lamang ni Yorme noong mga panahon na iyon ay ang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. 

Dahil sa kanyang pag-aartista, hindi maiiwasang maraming sensitibong larawan ang nagkalat sa internet ngayon. Ngunit lahat ng ito ay kuha noong siya ay nagsisimula pa lamang.
Loading...

YORME DID NOT DO THOSE PROVOCATIVE POSES WHILE IN OFFICE AS A RESPECTED COUNCILOR, VICE MAYOR OR AS THE CURRENT MANILA MAYOR.  

He was very young then. I am sure the limelight was quite tempting for a young lad from a very poor background. And why not? The opportunity for him to earn a living was readily available. 

To not take advantage of such privilege would have been foolish.

Kung ako ang tatanungin ninyo? Hindi ito isyu. 

What’s important is that Yorme NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever brought shame to the great people of Manila as a Public Servant.
CHANGE IS THE LAW OF LIFE

We were all young and foolish once. I also had my cringe-worthy moments (ask my wife). 

But ... NEVER have I ever brought dishonor to my office.

Ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kanyang kakayanan bilang Serbisyo Publiko at hindi paninira lamang base sa kanyang nakaraan o noong siya ay bata pa. Wala naman siya sa kapangyarihan o posisyon noong mga panahon na iyon.

Hindi tama na tapaktapakan ang nakaraan, paninindigan at reputasyon ng isang taong wala namang kalaban-laban.

Ang paghuhusga ay ilaan na lamang po natin sa mga taong lumabag sa batas o siyang mga nagtraydor sa bayan.  

Yorme did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy in photos. 

Eh kung sexy lang din ako at pogi noong araw? Ala-Richard Gomez? Malamang nag-showbiz na din ako (joke lang po at hindi naman ako marunong umarte 😜).

Anyways, Yorme should not be judged on such juvenile merits.  

Let his record of governance speak for itself.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento