Kaso ng COVID-19 sa Taguig umaabot na sa 1,900 pero 148 na lang ang aktibo

TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATES
July 24, 2020

Ikinagagalak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na i-report ang 506 recoveries sa dalawang lugar sa lungsod na isinailalim sa localized quarantine. Walang naiulat na nasawi at wala nang active cases ng COVID-19 sa lugar.

Ang 100 percent recovery rate na ito sa mga kaso mula sa BGC Construction Site at sa Purok 5 at 6 sa Lower Bicutan ay patunah lamang sa magandang ginagawa ng pamahalaang lungsod tulad ng agresibong testing at komprehensibong mga plano upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Sa 1,911 na confirmed cases sa Taguig, 1,736 o 90.8 percent sa mga kasong ito ay recovered patients na. Ang bilang na ito ay naisaayos at naitala ayon sa mga bagong patakaran ng Department of Health.

Nakapagtala ang Taguig ng 30 na bagong CONFIRMED CASES kahapon. Ang mga bagong kaso ay mula sa Bagumbayan (2), Lower Bicutan (17), Ususan (3), Central Bicutan (1), Central Signal (1), Pinagsama (2), South Signal (1), at Upper Bicutan (3). Habang ang bilang naman ng mga active cases sa lungsod sa ngayon ay 148.

Samantala, ang iba pang recoveries ay patuloy na mino-monitor ang bilang at inaasahan na magkakaroon ng updates sa susunod na mga araw.

Sa kabuuan, simula January 27 hanggang ngayon July 24, 2020, nakapagsagawa na ang lungsod ng 22,762 PCR tests*, at nakapagtala na ng 1,911 confirmed cases, habang 148 ang active cases, 27 deaths, at 1,736 recoveries sa lungsod.
loading...

*Ang bilang ng isinagawang tests rito ay PCR Tests lamang. Hindi na isinama ang mga isinagawang Rapid Tests ng lokal na pamahalaan dahil ang mga resulta ng Rapid Tests ay kinakailangan pa ng Confirmatory tests.

Inilunsad sa Taguig ang SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.


Loading...

Maaaring makapag sagot ng self-assessment form sa www.taguiginfo.com o tumawag sa COVID hotline at mga health centers.

Patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Hinihingi po ng Taguig City government ang kooperasyon ng bawat isa para masubaybayan lahat ng kaso at mapigilan ang pagdami pa ng mga COVID-19 cases.

Para sa mga katanungan o concern, tawagan ang Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.

Mag-bayanihan po tayo para labanan ang COVID-19.


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento