Babaeng suspek sa pagpatay kay Jang Lucero, nadakip na

Naaresto na ng mga awtoridad ang babaeng suspek sa brutal na pagpatay sa babaeng driver na si Jang Lucero sa Calamba, Laguna.

Sa impormasyon na ibinigay ng Calabarzon police nitong Martes, kinilala ang suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino.

Si Belarmino umano ang babae na nakuhanan sa CCTV na isinakay ni Lucero, kasama ang dalawa pang lalaki, para ihatid sa Maynila mula sa Laguna.
loading...

Sa naunang ulat, nakita sa CCTV na umupo sa tabi ni Lucero sa harapan ang babaeng pasahero, habang sa likod naman ng kotse sumakay ang dalawang lalaki.


Loading...

Nadakip umano si Belarmino noong July 3, at nahaharap sa kasong murder na walang inilaang piyansa.

Patuloy umano ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad para madakip pa ang nasa lima pang suspek.

Matatandaan na nakita ang bangkay ni Lucero noong June 28, sa loob ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa Bypass Road sa Calamba.

Nagtamo siya ng 52 saksak at may bali rin ang isa niyang braso.


Inilibing si Lucero nitong Lunes, July 6.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento