50,000 ‘mahihirap’ na umaasa sa 4Ps tinanggal ng DSWD dahil sa pagsusugal

UMAKYAT na sa 50,000 Pantawid Pamilya households o ang mga pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan sa Region 1 ang natanggal sa listahan base sa kanilang huling tala noong Agosto ngayong taon.
Loading...

Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 1, may kabuuang 47,078 na pamilya ang natanggal sa nasabing listahan kung saan karamihan sa mga ito ay walang eligible household members na edad 0 hanggang 18-year-old na anak.

Bukod pa rito, mayroon ding mahigit 1,000 pamilya na mayroon nang sapat na pagkakakitaan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Nabatid na lima rin mula sa kabuuang bilang ang natanggal dahil sa misrepresentation; 162 ang natanggal dahil sa pagsusugal at pagsasangla ng kanilang cash card.

Mayroon ding 170 ang tinatawag na duplicate households; 29 ang hindi sumunod sa mga kondisyon ng 4Ps program; at halos 7,000 ang boluntaryong inalis ang kanilang sarili sa listahan.

Lumabas pa sa latest record ng DSWD-Region 1, sa Pangasinan nanggaling ang karamihan sa mga pamilyang natanggal sa listahan dahil sa mga nabanggit na rason samantalang ang Ilocos Norte ang maituturing na mayroong pinakamababang bilang ng mga pamilyang natanggal sa listahan.

Ayon sa DSWD, bago natanggal sa listahan ang ilang pamilya, dumaan muna sila sa malalim at mausing assessment ng mga tinatawag na case managers ng ahensya.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento