- Pagtawag sa emergency hotline 911 libre na sa ilang telcos
- Libre na para sa mga subscribers ng PLDT, Smart, TNT at Sun ang tawag sa 911
- Hinihimok ng DILG ang ibang telcos na gawing libre ang tawag sa emergency hotline
Loading...
Ipinahayag ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) na wala nang bayad ang pagtawag sa emergency hotline 911 para sa lahat ng subscribers ng PLDT, Smart, Talk and Text (TNT) at Sun.
“Libre na po ang pagtawag sa Hotline 911 sa PLDT at tatlong mobile networks pero hindi ibig sabihin ay gagamitin natin ito para sa panlol0ko,” sabi ni Secretary Año.
“Pasensyahan po tayo, kapag kayo po ay aming nahuli, kayo po ay mapaparusahan. May mga kababayan po tayong nangangailangan ng tulong na maaaring hindi kaagad ma-respondehan dahil sa mga prank calls na ito,” dagdag ng kalihim.
Get ₱2,200 FREE Credits from Airbnb!
Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ang mga mapatutunayang gumawa ng prank calls ay posibleng makulong ng hanggang limang taon o pagmultahin ng hanggang P40,000.Hinihikayat ni Sec. Año ang publiko na huwag nang magdalawang-isip na tumawag sa 911 kahit walang load ang mga mobile phone dahil nga libre na ito.
“Huwag po kayong magdalawang-isip na i-dial ang 911 sa panahon ng emergency. We will not let the lack of mobile credit get in the way of saving lives as every second is important during emergency situations,” aniya.
Batay sa datos ng DILG Emergency 911 National Office, umaabot sa 3,500 ang mga tumatawag sa hotline kada buwan.
Nanawagan si Sec. Año sa iba pang telecommunication companies na gawin na ring libre ang tawag sa 911.
Sa ngayon, sinabi ng Globe Telecom na kinukumpleto pa nila ang “technical validation” upang gawing libre ang pagtawag sa emergency hotline.
Maki-balita sa Philippines Today sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube!
philippine news today philippine news gma philippine daily inquirer breaking news today philippine news headlines latest news philippines philippine news headlines today abs cbn news today philippine star abs-cbn news today abs cbn news live abs cbn news tv patrol abs cbn entertainment philippine news today manila news philippine news gma abscbn news twitter gma news weather balita ngayon sa gma news tagalog gma news and public affairs 24 oras news gma news entertainment gma news tv shows gma news walang pasok gma news tagalog version philippine news today philippine news headlines philippine news gma philippine news headlines today philippine news tagalog latest news philippines philippine daily inquirer breaking news today philippine newspapers
0 Mga Komento