Nasa 300 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang tumiwalag ngayon dahil sawa na umano sila sa panloloko ng kanilang organisasyon.
Ayon sa ulat, ibinulgar ng ilang miyembro ang korapsyong nagaganap sa na gawain ng kanilang mga dating kasamahan.
Saad ng isang miyembro ng kadamay na hindi na umano nila nila masikmura ang panggagamit at pagmamanipula sa kanila.
“Nagkakaisa po kami rito dahil sa mga panloloko ng mga Kadamay na yan,” ayon kay Bueno Cayman, isa sa lider ng kadamay na tumiwalag.
Ibinulgar rin ng isang miyembro na si Jeffrey Ariz na pineperahan din umano sila ng mga kadamay. Kung saan ay sinisingil umano sila kada kilos protesta ng 150 hanggang 300.
“Yung sinisingil po kami ng 150, 200, 300, makapag rally lang po. Hindi libre, kami pa po ang nagbabayad nun,” saad ni Ariz.
Samantala, makikita sa video ang pagkakaisa ng mga tumiwalag na kadamay. Kitang-kita kung paano nila tinapaktapakan ang kanilang mga I.D habang sumisigaw ng pangalan ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Ariz, na sapilitan talaga ang pagsama nila sa mga protesta dahil kung minsan ay tinatakot o kaya hina-harass umano ang mga miyembro. Dagdag pa nito na pinapabayad pa sila.
Bukod parito, sa isang panayam sa isa sa tumiwalag na kadamay. Umiiyak ito habang ikinukwento kung paano siya pinangakoan ng bahay ng kadamay. Nakapagbigay umano siya ng isang baboy para lang masiguro na mayroon siyang slot ng bahay ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.
“Nagbigay po ako ng isang buong baboy po. Hangggang ngayon wala pa po akong bahay. Pinapangakuan lang po ako,” saad ni Charlene Andesa.
Panoorin ang buong ulat:
Source: GMA
0 Mga Komento