Paano maaaring mapabagal ang pagtanda?

Image result for superbods century tuna 2018

Hindi mapipigilan ang pagtanda, ngunit may mga bagay na maaaring gawin para mapabagal ito at mapanatiling malakas ang katawan.


Sa programang "Good Vibes" sa DZMM, tinalakay ni Dr. Gemiiano Aligui, isang epidemiologist, ang mga paraan para maiwasan ang mabilis na pagtanda.

"Unang-una, kailangan may resolve, kasi it's a state of mind. Kailangan mayroon tayong resolve o belief na talagang mapipigilan natin ang ating pagtanda," sabi ni Aligui.

Makakatulong din aniya kung hindi magpapatalo sa stress.

"Tuwing gigising ka sa umaga, kailangan mayroong kang paniniwala na magagawa mo yung binabalak mo sa buong maghapon, at hindi ka papatalo sa mga challenges ng maghapon na 'yon," ayon sa doktor.

Bukod sa tamang pag-iisip at paniniwala, maaari rin aniyang maiwasan ang mabilis na pagtanda sa pamamagitan ng pagkain nang tama.


"Kung maaari, iwasan natin ang mga quick meals na may preservatives, 'yung mga quick food, including sa pagdepende sa mga fastfood," payo ni Aligui.

Makakatulong din aniya ang pagbabaon ng natural na pagkain sa opisina.

Kung nagkakaedad na, dapat aniya ay bawasan na ang pagkain ng mga red meat, gaya ng baboy o baka.

"Hindi naman masama ang meat, kailangan natin 'yan sa ating katawan, pero kailangan, sa ating pag-eedad, nag-umpisa na tayo sa 30 years old halimbawa, kailangan nagda-diet na tayo nang kaunti pagdating sa mga red meat," ani Aligui.

Paliwanag ng doktor, nagdudulot ng free radicals ang pagkain ng karne na nagpapabilis naman sa pagtanda ng katawan.

Payo ni Aligui, kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa vitamins at antioxidants, tulad ng mangosteen, guyabano, malunggay, at luyang dilaw.

Para naman mas maging epektibo ang pagpapabagal sa pagtanda, dapat aniya ay magkasabay ang tamang pag-iisip at tamang pagkain.

"Hindi pwedeng pagkain lamang, kailangan meron tayong kontrol sa biofeedback, emotional response sa stress," ayon kay Aligui.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento