Make your dreams come true - ika nga nila. Isang college student ang viral sa social media ngayon dahil sa ipinamalas niyang inspirasyon sa lahat.
Ito ang kanyang kwento:
NAG-ARAL, NAG NETWORKING, NAGING CREW, NAGING ENTREPRENEUR, NAGING MOUNTAINEER, NAGING TOUR ORGANIZER, NAKA GRADUATE! 🎓❤Tignan ang buong post niya sa Facebook:
Warning: Mejo mahaba 😂
...Nagbunga na ang pagsisikap! 15 Years of hardship. Sabi ko sa sarili ko "Heto na malapit na ako magmartsa".
10 years ago... Isa akong simpleng bata na mataas ang pangarap. Marami akong gustong marating sa buhay. Ngunit may mga bagay na nagpapahirap talaga sa takbo ng buhay.
Highschool student palang ako. Sinusubukan ko na magbenta ng Lapis at Ballpen (Syempre hindi alam ng magulang ko yon).
Dahil wala kaming pera. Kamuntikan na ako tumigil sa Pag-aaral.
Di namin alam kung saan maghahagilap ng pera. Umabot sa point na minsan na din akong nagdildil ng asin para may makain. Dahil wala akong madukot sa aking bulsa. Kase hindi sapat ang allowance na binibigay sakin sa mga gastusin sa eskwela.
Isang gabi biglang sumagi sa isip ko na hindi pwedeng ganto nalang ang takbo ng buhay ko at ng pamilya namin. Sobrang lungkot ng gabi na yon. Gusto ko subukan maging independent.
Thanks God! May tumulong naman sakin at naging malapit ko siyang kaibigan.
Binago niya ang mindset ko na maging negosyante.
College student na ako nang mapasok ako sa pagiging entrepreneur. Nagbebenta ako ng kape, food supplement, pabango, etc. Dumating din sa point na Burnout ako dahil lumilipas ang isang araw na wala akong nabebenta worst umabot pa ng 6 months.
Biglang bumagsak ang mga balikat ko. Sabi ko sa kaibigan ko "Ayoko na, Quit na ako!".
Pero may tanong siya sakin hinding-hindi ko makakalimutan... "Pag nag Quit ka, Anong gagawin mo?"
Bigla akong natahimik sa mga sinabi niya.. Kase alam niya kung gano kataas ang pangarap ko sa buhay. Pinagpatuloy ko pero minsan umaabot din sa estado na "Wala na talaga".
Naghanap ako ng ibang mapagkakakitaan... Naging empleyado ako sa Isang Fast food Chain.
Nung una ayoko talaga maging empleyado habambuhay. Kaya ako pumasok sa mundo na negosyo. Gusto ko kase hawak ko ang oras ko at hindi hawak ng ibang tao. Gusto ko ng time freedom at maging financial free.
Kahit papaano nakakaipon naman ako at natutustusan ko mga gastusin sa kolehiyo. Pero kulang padin.
Nag doble kayod ako at minsan nagiging full time na sa trabaho. Kaya madalas nalalate na ako sa klase at minsan hindi na ako nakakapasok. Kahit na mahirap kelangan tiisin para sa kinabukasan.
Mahirap talaga maging isang Working Student. Hati lahat ng oras mo. Minsan dumating sa point na pinagtatawanan at binubully ako ng mga kakilala, kaibigan at kaklase ko. Dahil daw mukang wala daw akong mararating.
Don sila nagkamali. Hindi ako ganong klase ng tao na basta makikinig nalang sa sinasabi ng iba.
Ako yong tipo ng tao na madiskarte at mapamaraan.
2015.. Naisip ko mag-organize ng tour para sa mga kaibigan ko. Kahit walang kita basta nakapagpasaya naman ako ng tao at nakapag enjoy naman eh okay lang.
Dahil nga nagustohan nila, pinag-organize ko ulit sila. By this time doon na ako nagkaroon ng idea gawin part-time ang pagiging Tour Organizer.
Nakaipon ako ng pera, napupuntahan ko na mga lugar na gusto ko mapuntahan. Nakakatulong na ako sa mga gastusin sa bahay. Ako na rin nagpapaaral sa sarili ko. Masasabi ko na "Buti nalang pala naging Working Student ako." ❤
At ngayon....
Mama at Papa!
GRADUATE NA PO AKO!
MARAMING MARAMING SALAMAT po dahil hindi niyo ako pinabayaan! Para po sa inyo ito. 😭Ngayon ako naman ang babawi!
MARAMING SALAMAT din sa mga taong tumulong sakin noong panahong walang-wala ako.
MARAMING SALAMAT din sa mga lahat ng nakatrabaho ko.. Kundi dahil sa inyo di ako siguro mag ggrow bilang ako, bilang si JC.
MARAMING SALAMAT din sa mga taong nawala at minsang humigit sa akin paibaba.. Kundi rin dahil sa inyo. Baka andon padin ako sa comfort zone ko.
AT HIGIT SA LAHAT!
MARAMING MARAMING SALAMAT PANGINOON! Hinding-hindi po ako makakalimot sa mga Blessings na ibinigay niyo sa akin. Alam kong andyan lang po kayo at ginagabayan ako sa likod ko palagi. Utang ko po sa inyo lahat ng ito. 🙏
MARAMING SALAMAT din sa mga nakasama ko sa bawat ahon at naging part ng Harkours Family, sa mga naging travel ko at mga naging akyat ko sa Bundok also sa mga nakasama ko sa Mt. Halcon Thank you kap! Kaka Muñoz. Congrats sa naging successful climb natin kahit sobrang hirap akyatin ng bundok na yon nakauwi tayong lahat ng ligtas! Naakyat ko din sa wakas pinaka dream mountain ko. Sa sunod na ahon ulit mga kap! 😊
At para sayo na nagbabasa nito maraming salamat din... I hope my story inspired you most! Basta wag ka mawawalan ng pag-asa. Alamin mo dapat sa sarili mo na kaya mo yan.
Kung mangangarap ka lang din lubosin mo na...
Sabi nga nila.. "Pag may itinanim, May aanihin".
Wish you Goodluck and Godbless!
CONGRATS BSBA "Operations Mgt." BATCH 2017-2018 🎓
-Julius Chris P. LuchingEntrepreneur/Speaker/Mountaineer/Tour Organizer
#CongratsBatch20172018 #BSBA #PWU#HarkoursFamily #AdventouristasFamily#JollibeeFamily #MtHalcon030518 #DivingBoard
0 Mga Komento